‘X-Factor’ – ito ang taglay ni John Lloyd Cruz. Hindi siya kasing-hunk ni Piolo Pascual, wala siya ng tall, dark and handsome quality ni Richard Gomez, hindi rin siya mestisong tulad ni Dingdong Dantes, pero oozing with extra-ordinary sex appeal si John Lloyd, kaya naman his presence in any project – TV, movie, commercial – spells box-office success. In fact, ikalawang taon niya na ngayon bilang Box-office King ng Guillermo Mendoza Foundation para sa pelikulang A Very Special Love. Ang katambal niya sa pelikula na si Sarah Geronimo naman ang itinanghal na Box-office Queen. Last year, 2008, sa pelikulang One More Chance iginawad kay John Lloyd ang parehong parangal.
Alam n’yo bang wala sa plano ni ‘Lloydie’ na pasukin ang showbiz? Katunayan, nu’ng kabataan ng aktor ay ‘asar’ pa nga ito sa mga artista. Pero, ‘ika nga, nakasulat na sa kanyang kapalaran ang mundo ng showbiz.
Na-ispatan si John Lloyd ng isang talent scout sa isang mall. Hinabul-habol talaga ng scout ang soon-to-be box-office king at hinimok na mag-audition sa ABS-CBN. That time, medyo mahina ang family business nila, kaya nakumbinse si John Lloyd na subukin na rin ang showbiz para makatulong sa kanyang pamilya.
Naging member ng Star Magic Batch 5 si John Lloyd nu’ng katorse anyos pa lang siya. Kasabayan niya sina Marc Solis at Baron Geisler sa grupo nilang Koolits. Sa pelikulang Ikaw Pa Lang ang Minahal Ko (1997), sila unang ipinakilala. Nasundan pa ‘yon ng ilang pelikula at TV projects, particularly sa Palibhasa Lalake, pero hindi nagtagal ang grupo ng tatlo. Nagkanya-kanya sila.
Sa teen-oriented TV series na Tabing Ilog (1999) masasabing nabigyan ng magandang break si John Lloyd. Dito niya natanggap ang kanyang first acting award sa 2001 Star Awards for TV. Lumutang naman nang husto ang husay sa pag-arte ni John Lloyd sa soap opera na Kay Tagal Kang Hinintay (2002). Nagsimula na ring lumago ang fans ng loveteam nina John Lloyd at Bea. Kaya nabigyan pa sila ng mga teleserye tulad ng It Might Be You (2003), Ikaw Ang Lahat Sa Akin (2005), Maging Sino Ka Man (2006), Maging Sino Ka Man: Book 2 (2008), and most recently, I Love Betty La Fea.
Patuloy na kinagat ng masa ang pagiging leading man ni John Lloyd. Ilan sa ‘nakakikilig’ niyang pelikula ay ang My First Romance (2003), Now That I Have You (2004), Close To You (2006), All About Love (2006), One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), at You Changed My Life (2009).
Pero ang pagiging serious actor niya ay napansin sa Dubai (2005), kung saan siya ginawaran ng Best Supporting Actor Award ng FAMAS at Star Awards.
Recently, nakipaghiwalay si John Lloyd sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Liz Uy. Ang usap-usapan ngayon, may relasyon na sila ni Ruffa Gutierrez.
Click to enlarge.