PASOK NA rin bilang MMFF entry ang pelikulang Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at idinirek ni Erik Matti. Ang naturang pelikula ang naging opening film sa Cinema One Originals festival noong Sunday, Nov. 8, sa Trinoma Cinema.
Ayon kay Direk Erik, naiibang John Lloyd ang mapanonood ng mga tao sa Honor Thy Father dahil sa offbeat role na ginampanan niya dito.
“Siyempre, ang timpla nito, minsan mo lang makukuha si John Lloyd para gumawa ng ibang-iba sa ginagawa niya, so siyempre, aside sa kuwento, inisip din namin na dapat maganda sa kanya as an actor to do the movie,” paliwanag ng director.
Sa Honor Thy Father, makikita raw ang lawak ng range ni John Lloyd bilang aktor.
“Marami tayong artista na sobrang galing na kung minsan natatapos na ‘yung career hindi natin nakikita ‘yung range (sa acting), ‘di ba? So, one of the ambitions of this film, ‘yung hinahabol namin na if John Lloyd is gonna do one movie na lihis sa ginagawa niya, it has to be worthwhile.
“Then it should show his range as an actor. Range in terms of… can he carry really heavy emotional na kuwento wherein he carries the entire story all by himself. And this is what we came up with – a story na talagang ‘pag nakita mo’ yung pinagdaaan niya, lahat ng hindi puwedeng pagdaanan ni John Lloyd sa mainstream, nandito yata sa pelikulang ito,” pagmamalaki pa niya.
La Boka
by Leo Bukas