ISANG CERTIFIED box-office king na maituturing si John Lloyd Cruz at pinaka-critically acclaimed na aktor ng kanyang henerasyon. Ang The Trial ang unang pelikulang pinagbibidahan ng aktor matapos niyang i-break ang box-office records sa buong mundo sa romantic comedy na It Takes A Man And A Woman (2013). Ito rin ang pinakahihintay na comeback sa full-length feature film ng actor. Ang huling pelikula na nag-feature kay John Lloyd bilang isang dramatic actor ay ang The Mistress (2012).
Nang makausap namin ni Richard Gomez, puring-puri niya si John Lloyd as an actor. Sabi nga ni Goma, kahit anong klaseng role daw ang gampanan ni Lloydie, mapa-drama, comedy o romcom ay nagagawa niya nang tama ang character na pino-portray ng magaling na actor. Hindi raw matatawaran ang husay ng binata lalo na sa drama. Ang mga kasabayan nga raw ni Lloydie ay naglaho na tanging si Lloydie lang ang still active sa paggawa ng pelikula at teleserye. Na-maintain daw kasi ng actor ang kasikatan nito magpahanggang sa ngayon.
Maganda rin ang naging comment ni Goma kay Gretchen Barretto na naging leading lady niya in the past. Naka-tatlong pelikula sila together na sila ang bida.
“Si Greta ang pinaka-sexy na artista noon. Masarap siyang katrabaho,” say ng actor.
“Working with Richard it’s different because his a sensitive actor, magaling siya. May mga nagawa rin akong movie na heavy drama in the past. Ngayon, we both mature, napaka-supportive ni Richard sa lahat ng eksena namin. Inaalalayan niya ako palagi,” papuring sabi ni Greta.
Diniscribe ni Richard kung anong klaseng director si Chito Roño pagdating sa set. “Mabait sa artista si Direk Chito pero nakakatakot. Gusto niya ready ka pagdating sa set. Pinag-aralan mo ang character na ipo-portray mo, pati lines dapat alam mo. ‘Pag take na, hahayaan ka ni Direk Chito kung papaano mo bibigyan ng jusctice ‘yung role mo. Papaano mo siya magagampanan nang tama. ‘Yung emosyon, pagbitiw ng dialogue, kailangan maramdaman ‘yun ni Direk Chito. Hindi ka naman niya kukunin kung hindi siya naniniwala sa kakayahan mo as an actor,” pahayag ni Goma.
Bago naging isang sikat na actor si John Lloyd, maraming trial ang dumating sa kanyang buhay. Nang pasukin niya ang mundo ng showbiz, hindi niya alam kung ano ang magiging kapalaran niya bilang artista. Tumigil sa pag-aaral para makatulong sa pamilya. May mga buwan na walang TV project sa ABS. Pero magtiyaga siyang naghintay hanggang maabot na nga niya ang kasikatang kinalalagayan sa ngayon. Wala siyang regrets na naging bahagi siya ng movie industry.
Maging si Richard, nagsimula munang magtrabaho sa McDonald’s bago naging artista. Malaking trial sa kanya ang pagiging artista. Hindi rin nito alam kung saan siya dadalhin ng maintrigang mundo ng showbiz. Nagtiyaga, minahal ang profession as an actor kaya nakilala, sumikat at inidolo ng masang Pilipino.
Tanging si Greta lang ang lumihis sa kanyang sagot. Umiiwas kasi itong mapag-usapan kung anuman ‘yun o may masabi siyang hindi maganda. Mas minabuti nitong huwag na lang sagutin ang tanong.
“Masyadong marami akong trial sa buhay. Kung ikukuwento ko, hindi tayo matatapos ng isang araw,” pabirong wika ng actress.
Inamin ni Gretchen na fan siya ni John Lloyd. Thankful nga siya Star Cinema sa break na ibinigay para makagawa uli ng pelikula. Dream come-true para sa kanya na makatrabaho si John Lloyd. Lahat daw ng mga pelikula ng actor ay napanood ng singer-actress. Super excited nga siya nang malamang makakatrabaho nito si Lloydie. Maging si Jessy Mendiola ay nangarap ding makatrabaho si John Lloyd.
“Kaya ako nagartista dahil kay John Lloyd Cruz, idol ko siya,” kinikilig na wika nito sa media.
Puro papuri ang naging pahayag nina Direk Chito, Richard, Gretchen at Jessy kay John Lloyd. Saludo silang lahat sa galing umarte ng actor. Overwhelmed naman ang binata sa mga binitawang salita tungkol sa kanya.
“As an actor, you always try to give your best. Itodo mo na, ibigay mo na ‘yung best mo,” sambit niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield