John Lloyd Cruz, kukuwestiyunin ang award kung nanalong best actor

 alt=

John-Lloyd-CruzHumarap sa imbestigasyon ng Kongreso si John Lloyd Cruz kahapon kaugnay ng umano’y kontrobersiya sa Metro Manila Film Festival 2015 sangkot ang kanyang pelikulang “Honor Thy Father” na dinirek ni Erik Matti.

Sa kanyang opening statement, sinabi niya na ang isyung pinag-uusapang sa Kongreso ay hindi lang pang-showbiz, kundi isang bagay na maaaring sumira o bumuo sa movie industry.

“Nandito ako ngayon dahil mahal ko ang pelikulang Pilipino. Kung may natutunan ako sa paggawa ng pelikula, ‘yan po ay kung mahal mo, ipaglalaban mo,” aniya.

Sinabi rin ni John Lloyd Cruz na nag-co-produced siya sa pelikula, “so I could exercise my creative rights. I believe this is part of my growth in the industry, not just as an actor, but as part of the industry. I’m just exploring.”

Idinagdag pa ng aktor na, “Inspiring times sa akin itong nangyaring ito. Parang I am in the eye of the storm right now. Kung anuman ang in-invest ko rito, higit pa ang babalik sa akin because of what happened.”

Nang tanungin siya kung naniniwala ba siya na malaki ang tyansa ng pelikula na makuha ang Best Picture award kung hindi ito na-disqualy, tugon niya, “It’s anybody’s game, just don’t take away the opportunity to actually experience a fair game in the competition. Kung na-disqualify, ibig sabihin tinanggalan mo kami ng karapatan na lumaban, na magkaroon ng fair chance sa competition.”

Sa news conference sa Kongreso bago muling bumalik sa sesyon, inihayag ni John na kukuwestiyunin niya sakaling manalo siya bilang best actor.

“Kung nanalo akong best actor, I would have said something like, ‘Saan n’yo binase ang performance ko? Sa isang pelikula na disqualified? Kaya po siguro I was ready to reject the award.”

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleIsko Moreno: Kundi dahil kay Kuya Germs, “malamang basurero pa rin ako…”
Next articleAi-Ai delas Alas, lumabas ang pag-aampalaya sa pagtatanggol sa pelikula nilang AlDub

No posts to display