Iba talaga ang hatak ng Berlin, Germany kay John Lloyd Cruz.
I remember noong presscon ng pelikula niyang “Honor Thy Father”, naikuwento niya sa amin na dapat ay pupunta siya ng Berlin para dumalo sa opening ng art exhibit ng mga kaibigan niyang mga artist na masasabing bagong mundo ng aktor mula nang mamulat siya at ma-appreciate ang Philippine Art.
Hindi naman siya natuloy sa Berlin noong 2nd week ng December 2015 dahil sa kaabalahan sa promotion ng kanyang MMFF 2015 entry na nasa direksyon ni Erik Matti. This time, walang mintis, off to Berlin si Lloydie para sa Berlin International Film Festival (Berlinale), kung saan ang pelikula nila ni Piolo Pascual na “Hele sa Hiwagang Hapis” sa direksyon ni Lav Diaz ang official entry ng ating bansa sa prestigious film event na magkakaroon ng World Premiere sa February 18 at ang awards night ay magganap sa February 2 with no less than Hollywood actress Meryl Streep ang president ng jury.
Ang Berlin Film Festival ang isa sa tatlong international film event na iikutan ng pelikula nina Lloydie at Papa P. at kabilang din dito ang Cannes at Venice.
Sa katunayan, long overdue recognition ang mga obra ni Direk Lav Diaz sa mga naturang kompetisyon tulad sa Cannes’ Un Certain Regard; ang Venice’s Orrizonti at ito ngang Berlinale Forum.
Bukod sa excitement ni John Lloyd Cruz na ang pelikula niya with Piolo ay panlaban ng ating bansa sa Berlin International Film Festival (February 11-21, 2016), maisasakatuparan na rin ni Lloydie na masilip ang exhibit ng mga kaibigan niyang mga artist na mayroong exhibit doon until the 2nd quarter of this year.
Reyted K
By RK VillaCorta