NAPANOOD NA namin ang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz na naging opening film sa Cinema One Originals 2015 noong Sunday at tama nga si Direk Erik Matti na ibang John Lloyd ang mapanonood ng tao sa pelikula.
“Siyempre, ang timpla nito, minsan mo lang makukuha si John Lloyd para gumawa ng ibang-iba sa ginagawa niya, so siyempre, aside sa kuwentong inisip din namin na dapat maganda sa kanya as an actor to do the movie.
“Marami tayong artista na sobrang galing na kung minsan natatapos na ‘yung career hindi natin nakikita yung range (sa acting), di ba?
“So, one of the ambitions of this film, yung hinahabol namin na if John Lloyd is gonna do one movie na lihis sa ginagawa niya, it has to be worthwile,” pahayag ni Direk Erik.
Pasok na rin sa Metro Manila Film Festival ang Honor Thy Father, pero papalitan daw ito ng title na Con-Man na unang isinabmit sa MMFF committee. With John Lloyd’s performance sa Honor Thy Father, sigurado kaming magiging strong contender siya for best actor sa MMFF.
We have yet to see Cesar Montano’s performance in Nilalang, kung totoong siya nga ang matinding makakalaban ni John Lloyd.
La Boka
by Leo Bukas