Akala ko noong una, wala si John Lloyd Cruz last Sunday sa naganap na MMFF 2015 Gabi ng Parangal na ginawa sa KIA Theater.
Kasi naman, hindi nakita si Lloydie sa harap na nakaupo kasama ang ilang showbiz personalities. Sa pagkakaalam ko kasi, confirmed na dadalo si Lloydie manalo man siya or matalo.
Sa radio program ng kaibigang Ambet Nabus sa DZMM noong Sunday na Showbiz Chizmax, guest co-host ako at naikuwento nga niya sa mga listeners ng programa niya na si Lloydie ay on his way sa awards night.
Dapat nga ay naka-schedule si JLC for a phone patch para makuha ang kanyang side sa nangyari sa kanyang pelikula na hindi pinayagan ng MMDA-MMFF na maisama sa mga pelikulang pagpipilian as Best Picture (na napunta naman sa Walang Forever na bida sina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales).
Siyempre, all out ang suporta ni Lloydie sa project, at ‘ika nga, bigay-todo ang aktor sa Honor Thy Father na bukod sa isang magandang pelikula ay isa siya sa mga co-producer and investor ng pelikula. Kabado man, sabi ng isang insider, game si Lloydie na dumating sa awards night.
Noong una, may nagparating sa amin ng balita na wala si JLC. Hindi dumalo kontra sa ibinalita ni Ambet sa kanyang radion show. Pero kinumpirma ni Gay Domingo of Reality Entertainment (producer ng Honor Thy Father) na nandoroon ang aktor sa bandang likuran at tahimik na dumating, umupo para saksihan ang awarding.
As of presstime, malungkot na malungkot si Lloydie. Sino nga ba naman ang hindi manlulumo na ang isang pelikula na ibinigay mo ang sarili mo nang buong-buo ay masasayang lang at hindi mabibigyan ng recognition.
Nakalulungkot isipin na ang pelikula niya na isa sa mga magagandang pelikula na napanood namin sa 2015 ay hindi makasasali sa labanan as Best Picture dahil sa ilang issues na dapat ding imbestigahan para malaman ng publiko ang buong katotohanan kung bakit hindi ito nakasama sa pinagpilian.
Reyted K
By RK VillaCorta