CLAD IN his gray colored suit at naka-white Yves Saint Laurent sneaker (na tila bagung-bago, fresh-looking at swabeng-swabe si John Llyod Cruz na dumating sa red carpet press conference last Sunday ng bagong pelikula nila ni Sarah Geronimo.
Actually, super late na nga. Naka-nganga na ang press sa kahihintay sa kanila. Mas mahaba pa ang hintayan kaysa sa open forum na naganap.
Pero may eksena sa presscon. Bawi ang press sa waiting time nila.
Napaiyak si John Llyod sa isang simpleng tanong sa kanya sa presscon ng pelikula na muli nilang pagsasamahan ni Sarah Geronimo, ang It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema. Basa ko, tila may pinagdaraanan ang aktor. Sabi naman niya, masaya siya nu’ng ginagawa niya ang pelikula. Wala siya problema. Oks ang mundo niya. Ok ang buhay pag-ibig niya.
Dama mo na may bumabagabag sa kanya na hindi lang alam ng marami.
Sabi nga ni Direk Cathy Garcia-Molina, mas nag-mature si Lloydie kumpara sa dalawang nakaraang pelikula na pinagsamahan nila.
“Sa kabila ng lahat… kasikatan, pera… walang halaga ‘yun eh, kung masama ka naman sa kapwa. Just Be good to others, and other things especially material things be secondary only in your life… “ pag-aanalisa ni Lloydie sa buhay, sa kanyang buhay.
Wika ni Direk Cathy, parang old soul si John Lloyd. May hinahanap siya sa buhay niya sa panahon ngayon na ang early retirement at ang pagiging mabait at mabuting tao ay dalawang magkaibang pag-uugali ng isang tao na ngayon ay kaya at alam niyang i-differentiate.
“Sa lahat ng nangyayaring maganda, yaman, success, in the end, sasabihin sa ‘yo, just be a good person.’Yun lang, that’s all that matters. ‘Yun lang, just be a good person. Lahat secondary.”
First time kong napakingan si JLC na magsalita. Pero alam ko, masaya man siya ngayon, may bumabagabag sa kanya na siya lang ang makakasagot. Siguro, panahon ang pumanday sa kanya para maging ganito siya ngayon.
Hopefully, sa mga artista na makakasalubong ko at makakasalamuha sa mga darating na panahon, maging isang tulad ni John Lloyd na masarap pakingan ang mga lenguwahe na mula sa kanyang puso.
Tama ang sabi ng kasamahan sa panulat na si Ronnie Carrasco: “JLC must be going through a precarious phase in his life. But what sets him apart from the other actors is that he strives to be whole in spite of a seemingly disintegrated self.”
Sa Sabado de Gloria (March 30) ipalalabas ang pelikula nila ni Sarah, kung saan first movie naman ng anak ni Gloria Diaz na si Isabelle Daza na bagong karakter sa makulay na buhay pag-ibig nina Miggy (JLC) at Laida (Sarah).
WHAT HAPPEN sa teleserye nina Angeline Quinto, Sam Milby at Paulo Avelino at inusog sa siesta time para maipasok lang ang bagong pambatang serye tungkol sa kabayong nagsasalita at sa kaibigan niyang bata?
Bago mag-TV Patrol, paminsan-minsan, nasisilip namin ang serye ni Angeline na pinag-aagawan ang beauty niya ng dalawang guwapong magkapatid (Sam at Paulo).
LAST MONDAY, thinking na bago kami makibalita sa mga sariwang mga pangyayari sa kaliwa’t kanang isyu sa Pilipinas, tulad ng pagpapatiwakal ng isang freshmen student sa UP Manila dahil sa isyu ng tuition fee, ang harang sa misis ni Vice President Binay na makasama sa kanya sa Rome at ang walang katapusang drama ng mga Kiram tungkol sa Sabah, hayun at nasilayan namin muli sa matagal-tagal na panahon na hindi namin siya napapanood sa TV Patrol at itong si Doris Begornia. Star Reporter ang lola ng Kapamilya Network.
I just wonder kung ano nangyari sa kanyang pagkawala noon sa ABS-CBN at lumipat sa NBN 4 at muli, raratsada si Manay Doris. Sa totoo lang, na-miss ko ang hitad sa kanyang kakaibang atake sa mga balita.
SA MGA nakapanood ng repeat ng Foursome nina Ogie Alcasid, Martin Nievera, Pops Fernandez at Regine Velasquez, nilamon pa rin ng Asia’s Songbird ang Concert Queen.
Kung boses din lang, natutulog na raw sa kangkungan itong si Pops. “’Di nga ba’t flop ang concert ni Pops sa Resorts World nu’n at idinaan na lang sa fashion show eklat, na ang ipinunta naman ng mga bumili ng mga tickets ay ang pagkanta niya,” sabi ng isang informant namin.
Sa duet nila ni Regine, nagse-se-cond voice na lang daw si Pops na hindi kering makipag duet sa biriterang si Regine.
« Kapag portion na ni Pops sa duet nila, ibinababa ng one note ang areglo para makapasok siya at hindi sumin-tonado, » kuwento ng isang reporter na nakapanood noong Sabado.
Reyted K
By RK VillaCorta