John Lloyd Cruz, nababaduyan na sa showbiz chismis

John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

Kung walang aberya, naka-schedule si John Lloyd Cruz na pumunta sa Spain ngayong araw, Friday, September 16 para dumalo sa San Sebastian Film Festival para sa pelikula niya with Piolo Pascual na “Hele sa Hiwang Hapis” na idinirek ni Lav Diaz na inilaban ng director sa nakaraang Berlin International Film Festival, kung saan nagtamo ng Silver Bear Award ang pelikula.

Ang naturang pelikula ay siyang una ni Lloydie kay Direk Lav na sinundan kamakailan ng “Ang Babaeng Humayo” na siyang comeback picture ni Ms. Charo Santos after almost two decades of absence sa pag-arte sa harap ng kamera na inilahok ng director sa nakaraang Venice International Film Festival, kung saan nanalo ito ng top prize na Golden Lion Award as Best Film.

Pangalawang project ni Lloydie kay Direk Lav ang “Ang Babaeng Humayo”, kung saan ginampanan ni John Lloyd ang isang off-beat character na isang tranny (baklang nagbibihis babae o nagsusuot ng damit pambabae), kung saan proud ang aktor sa pagkakataon na ibinigay sa kanya na makasama si Charo na dating bosing niya sa ABS-CBN at muling makatrabaho si Direk Lav.

Sa katunayan, after ng karanasan ni Lloydie sa mga pelikula gaya ng “Honor Thy Father” na sinundan ng “Hele sa Hiwagang Hapis” at ngayon nga ay itong “Ang Babeng Humayo”, nag-level up na ang aktor sa kanyang pagtingin sa industriya ng cinema.

Sa isang panayam kay Lloydie, “Para sa akin, it was  a defining moment for our own cinema, the Philippine Cinema because you’re talking about Venice International, one of the biggest, ‘yong history (film fest)… so, ang hirap na hindi i-honor ‘yong ating nararamdaman dahil nandodo’n ka. You were given the privilege, front row seats para ma-witness ‘yung history. I feel blessed,” pahayag pa ni Lloydie.

Sa ngayon, high na high pa rin si Lloydie sa feeling na nararamdaman niya after Venice.

No wonder, tsikahin mo siya sa mga katsipang tsismis tungkol sa kanila ni Maja Salvador, tatawanan na lang niya. Tawag nga ni Papa Lloydie sa tsimis na ‘yun, baduy.

Hahaha!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleAlex Gonzaga, seseryosohin lang si Joseph Marco, kung aakyat ng ligaw nang walang pasabi
Next articleMaria Ozawa, dismayado sa pambubuking ng taga-Immigration

No posts to display