HINAHANGAAN SI John Lloyd Cruz maging ng kanyang mga kasamahang aktor. At bakit nga naman hindi? He is in a class of his own, moving back and forth between drama and comedy with ease at kahit sinong leading lady ang itambal sa kanya ay siguradong patok ang kanilang tandem. Regardless of what his role is, it’s all in a day’s work for this gifted actor.
One thing is for sure, Lloydy did not reach this enviable position in the industry by playing safe. Narating niya ang kanyang kinalalagyan ngayon because he learned that it was necessary to take risks and stretch himself creatively if he wanted to get anywhere with his career. Kuwento niya, “To be honest, noon it was really all about work kasi hindi pa naman ganoon karami iyong ginagawa natin kaya bigyan ka lang ng bagong role, iba na. As compared to now, kailangan talaga ibahin mo iyong atake mo sa bawat role, ibahin mo iyong approach mo kasi kung hindi, mahuhulog ka naman sa trap na ‘Hala, wala na siyang bagong maibigay’.”
Ngayon ay isang naiibang Lloydy na naman ang napapanood ng publiko with his new TV comedy, Home Sweetie Home, kung saan siya gumaganap bilang si Romeo na asawa ni Toni Gonzaga (Julie). Ito ang ikalawang pagkakataon na magkasama sila sa isang project – ang una ay sa pelikulang My Amnesia Girl noong 2010. Ito ang unang sitcom ni Lloydy. “Ibang medium ito, TV, at saka sitcom siya kaya ang timing iba, sa gano’ng klaseng points siguro masasabi natin na nagkaroon ng adjustment,” sabi niya.
His girlfriend Angelica Panganiban, who has been recognized for her comedic talent, did not offer him any tips. “Wala naman siyang in-offer. Tanungin ko nga kung bakit,” biro niya. He and Angelica have made it a habit to not discuss work, and “specifically, iyong approach sa trabaho. ‘Di mo siya puwedeng ihalo. I feel thankful that I have a very understanding girlfriend. Nagkakaintindihan kami tungkol sa kagustuhan namin na huwag ihalo ang personal sa trabaho.”
With his career and his personal life doing well, sinabi ni Lloydy na wala na raw siyang mahihiling pa. Para sa taong ito, ang wish niya ay para sa bansa at hindi para sa kanyang sarili. “Sa 2014, I wish for Tacloban to have a speedy recovery. Tacloban, Ormoc, lahat ng affected areas, sana mabilis ang pag-recover.” He has already reached out to help and is also partnering with some of his endorsements to keep the chain going.
With his heart in the right place, it’s a sure thing that John Lloyd Cruz will keep right on going.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda