NAGKAROON PALA ng time na na-in love si John Lloyd Cruz sa isang babaeng meron nang minamahal.
“Ako, at one point, yes, parang pumayag ako na yes, kahit number two lang ako okay na ako. I was so much younger. I was in my late twenties noong mangyari ‘yon. The feeling was too strong at hindi ko ma-contain. Wala, siya ‘yung nag-take over, wala, pumayag na ako. Nabigkas ko ‘yung, ‘okay lang, kung kailan lang may time. Okay na ako roon,” tsika ni Lloydie sa presscon ng The Mistress.
Sabi pa ng actor, he was in a very difficult situation then.
“Mahirap siya kasi nawawala ‘yung… hindi naman sa imoral siya pero parang dine-dare ka niya to be someone you’re not. Kasi ‘yun nga, parang masyadong nailabas mo ‘yung nararamdaman mo for that person.”
Pero ang kinalabasan, hindi pala niya talagang love ang girl na hindi niya pinangalanan.
“Later on, I learned that I was only infatuated,” he said laughing.
The actor also realized na, “she deserves better. She did not deserve to be in that kind of separation. In a way, naging instrumental ako na kaya bakit siya nalagay sa ganoong sitwasyon is because hindi ko ginawa kung ano ‘yung tama.”
Si Bea Alonzo naman ay hindi mate-take na meron siyang ka-share sa pagmamahal ng isang guy.
“Masyado akong possessive na hindi ko kayang mag-share,” sabi niya.
Although she did not name a guy who was at one point linked to her, she explained that the relationship that they had was just a ‘public perception’.
“At some point na nangyari ‘yon… hindi nangyari, parang sa mata ng publiko ‘yun ang nangyari, pero hindi ‘yun talaga ang naganap.”
Could she be referring to her rumored romance with Gerald Anderson?
Anyway, Bea plays a mistress in the movie, her most challenging role to date.
BLIND ITEM: A businessman, the son of a department store owner, once went gaga over an award-winning-actress.
He wooed the actress but his efforts proved to be futile. Hindi siya sinagot ng aktres.
But then, the businessman wanted the image of the celebrity to be on his sight. And to achieve this, ang lahat ng kinuha niyang sales lady sa kanilang department store ay may hairdo na katulad ng aktres.
Lahat ng applicants ay tinatanong kung papayag silang magpagupit ng katulad ng sa aktres. Meron pang iba’t ibang photo ng aktres na paggagayahan ang lahat ng female applicants. Required sa kanila na magpagupit sa katulad na hairstyle ng premyadong aktres.
Hindi lang ito ang kakaibang trip ng businessman. Actually, ang dami niyang quirks.
One time, he asked some of his sales staff to accompany him sa isa nilang department store. Inabot ng madaling-araw ang pobreng sales attendants dahil pinagkilo sila ng bigas. Tig-iisang kilo ang timbang ng bawat plastic at ilang kabang bigas din ang kailangan nilang kilohin.
May isang sales lady ang nag-text sa kanyang boyfriend na pulis na nasa loob sila ng department store kahit dis-oras na ng gabi. Sa galit ng pulis ay tinawagan niya ang kanyang girlfriend at kinausap ang businessman. Ayun, sa takot ng businessman ay pinauwi na niya lahat ng kanyang staff.
One time naman, the businessman invited some of his staff at dinala sila sa isang probinsiya. Inabot sila ng madaling-araw sa biyahe.
Naloka na lang ang staff nang biglang mag-toothbrush ang businessman sa loob ng van na wala namang gamit na tubig.
Then, bigla itong sumigaw na ‘labas”. Ayun, lumabas lahat ng staff at naiwan sila sa talahiban.
Paano nakauwi ang staff? Tinawagan nila ang service driver ng department store na nagde-deliver at nagpasundo sila.
May isang instance naman na nasa exhibit ang businessman. Hindi niya nagustuhan ang mga naka-display kaya naman pinagbabasag niya ang mga ito. When a guard attempted to stop him, pinigilan ito ng sandamakmak na bodyguard at sinabing ipadala na lang lahat ng bill sa office ng businessman.
So who’s the aktres na tila ang haba-haba ng buhok na kinahumalingan ng businessman?
Well, she’s semi-retired but she’s dipped her hands into a world that’s quite close to showbiz.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas