SA PODCAST interview ni Karen Davila kay John Lloyd Cruz ay ipinahayag ng aktor na naiintindihan niya ang mga taong nega ang tingin nung nawala siya sa showbiz ng apat na taon. Hindi rin daw niya masisisi ang publiko lalo pa nga’t limitado naman ang access ng mga ito tungkol sa totoong nangyayari sa kanyang buhay.
Sabi ni Karen kay Lloydie, “People often talk about your talent alongside with John Lloyd’s demons, the dark side of John Lloyd.
“You were seen as this guy – drugs, drink, that kind and the artist life, whatever. I’m curious, how would you describe that when you hear it?”
Sagot dito ng aktor, “Hindi nila kasalanan na ganu’n yung pananaw nila about certain struggles. Like, real struggles of a human being, why people resort to substance.
“Parang you try to… pasok dito, labas dito. Kasi hindi naman nila alam, eh. And hindi mo naman sila puwedeng i-condemn o sisihin sa isang bagay na limited ang kanilang pang-unawa.”
Hindi rin daw naiwasan na may mga kaibigan at kapamilya siya na nag-iba ang tingin at pakikitungo sa kanya matapos siyang masangkot noon sa kung anu-anong kontrobersya.
“It’s unfortunate and sad, pero kasi umaabot siya on the level of kamag-anak, di ba, kaibigan. Na kailangan mong intindihin, unawain, dahil iba-iba kayo ng pananaw sa buhay. Iba-iba kayo ng values and choices,” buntong-hininga niya.
“And kung ano yung totoo sa ‘yo, maaaring hindi totoo sa kanila. Kung ikaw naniniwala ka sa certain spirits and sila hindi, ganu’n talaga, eh,” dagdag niya.
When asked by Karen kung anu-ano ang mga gusto niyang baguhin sa kanyang sarili, tugon ni John Lloyd, “Unfortunately, you have to contend with your demons for the rest of your life. And you have to be good at it, especially when you get old.”
“May nagsabi sa akin na somehow, part din ito kung bakit I’m coming back, taking on jobs, roles again. Parang, when you cancel out on certain things hindi ano… nagiging premature yung experience, so ‘yon.
“If anything, mas maging wise about your choices. Don’t cancel out, but rather be wise, di ba? Kasi I’m the type na I celebrate my mistakes, eh. So, that’s how I learn.
“So, parang parte siya, eh. Parang you can’t be brave kung lagi kang magka-cancel out on adventures, on journeys, di ba? So, yon, sana magtuluy-tuloy lang ‘cause, so far, nadala niya ako kung nasaan man ako ngayon. Eto, yung I can live with this,” paliwanag ng award-winning aktor.