Para kay John Lloyd Cruz, challenging ang character na pino-portray niya bilang piloto sa pelikulang “Just The 3 of Us” with Jennylyn Mercado ng Star Cinema.Maging ang leading lady ng actor na si Jen ay kakaiba rin ang role na ginagampanan.
Sabi nga ni Direk Cathy Garcia-Molina, “Medyo baliw, makulit, at hyper ang role ni Jen. She will do anything para sa baby niya kahit magmukha na siyang tanga. Si John Lloyd Cruz talaga ang tatay ng baby ni Jen. ‘Yung pagkabaliw niya, it’s part of her character niya sa movie.”
Sa trailer ng pelikula, may mga eksenang hina-harass ni CJ (Jen) si Uno (John Lloyd), pero deadma lang ang binata. Tinatawag nga nitong baliw si CJ, dahil walang siyang maalalang may namagitan sa kanilang dalawa kaya nabuntis niya ito. Sobrang crush kasi ni CJ ang pilotong si Uno. Ayaw lang i-reveal ni Direk Cathy Garcia-Molina kung papaano nangyaring nagkaroon ng ugnayan sina Uno at CJ.
Say ni Lloydie, “Alam ko kung ano ang tama para sa akin. Kahit naman sinong lalaki na hina-harass ng kahit sinong babae kahit sa anong paraan, ‘di ba?”
Nahirapan si Direk Cathy sa role na ginagampanan ni John Lloyd bilang piloto. Kailangan kasing palaging may bagong ipakikita ang actor sa bawat pelikulang ginagawa nito. Kahit sabihin pa nating first time magpo-portray ng ganitong character ang Romcom King na si Lloydie, kailangang kakaiba sa mata ng viewing public.
Paliwanag ng box-office director, “Actually, si Lloydie ang pinakamahirap na gawan ng character. Kung tutuusin, sa dami ng pelikulang nagawa namin, sa dami ng pelikulang nagawa niya, marami na siyang na-portray. Hindi lahat ng character ay puwedeng ilagay sa romcom. Medyo limited ‘yung pinaglalaruan namin. Nu’ng nagbi-brainstorm kami, hindi pa namin nakikita si Lloydie na maging piloto. Which I believe na bagay na bagay sa kanya, na-imagine ko at nakita ko nang dinala niya ‘yung polo. Ang galing niyang magdala, ang pogi niya. Feeling ko, kapag sinuot na ni Lloydie ‘yun, grabe, ala-Leonardo De Caprio sa “Catch Me…” ang dating niya.”
Hindi na mabilang ang mga sikat na artistang babaeng nakatambal na ni John Lloyd. Nandiyan sina Sarah Geronimo, Bea Alonzo, at Toni Gonzaga na iba’tibang character ang kanyang ginagampanan. Maging si Jen ay ganu’n din, halos lahat ng magagaling na actor sa drama series at pelikula ay nakatrabahona niya.
“Sana unique lang ang magawa naming character for her. Jennylyn tried so hard. In fact, I admire her for that, kahit ilang take, wala kang maririnig. Kapag pina-tumbling mo, ta-tuambling,” sabi ng magaling na director.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield