Wow huh! Sa loob ng studio ng Channel 2 for last Sunday’s edition ng The Buzz, nakalatag ang red carpet at nakaabang ang maraming fans at mga kumukuha ng pictures kabilang na ang inyong kaparazzi. Maya-maya lang, pumuwesto na ang fans na may dalang banners para sa pagdating nang batikang actress at Star for All Seasons na siyempre walang iba kundi si ‘Ate Vi’ as in Vilma Santos. Ang nakakatawa, nang dumaan ako sa red carpet na daraanan ni Ate Vi, eh, nagpalakpakan sila sa akin. Wow ha, nadale tayo diyan! Hahaha. Kasi naman sa dami ng spotlights, kitang-kita ang bawat dumaraan, akala siguro ako si Carlo Caparejas, este, Caparas pala. Sabi kasi nila hawig ko raw pero sabi ng nanay ko mas guwapo raw ako, weeeh!
Pumunta na talaga tayo sa aking nainterview. Well, it’s nice to meet in person ang isang matinee idol, 5’10 ang taas at simpleng naka-black shirt at pants. Isa siya sa sikat na ‘product endorser’ at tinaguriang third Most Influential Celebrity. Sa tingin ko, may malawak na kaisipan at bihasa na siya pagdating sa acting sa edad na 26 huh! At siya lang naman ang 2008 & 2009 Box Office King. Wow naman huh!
Nakausap ko si John Lloyd in time of their promotion para sa pelikulang ‘In my Life’ back to back with Gov. Vi at Luis Manzano. Tinanong ko siya kung bakit siya naka-tsinelas? Ang sagot niya, “Ah… wala gusto ko lang.” Uuhm, gusto lang niya sigurong simple lang ang suot at para ma-rest ang paa niya. Guwapong matinee idol at tipong hindi siya snub at talagang iniintindi niya ang bawat tanong mo.
Umpisahan natin at alamin ang mga bahagi ng kanyang buhay artista. Ah, John Lloyd, ikaw ang pinakasikat ngayon ha? “Ay ‘di naman po, swerte lang siguro sa magagandang projects.” Marami ka nang babae na nakalove- team, natatandaan mo pa ba ang mga pangalan nila? “Ay oo naman po.” Hahaha! Ano ba naman itong mga tanong ko, ‘wag na kaya nating usisain.
Sa mga naka-loveteam mo, sino’ng napupusuan mo? Kaya ko tinatanong, natural, para naman sa mambabasa ha. “Lahat naman sila special sa ‘kin.” Ah, marunong sumagot . Kumusta meron bang serious ang nararamdaman mo sa kanila? “Actually, sa akin it’s just professional work, medyo seryoso pagdating sa trabaho.” Ah, sabagay talaga dapat professional ka, dagdag ko.
Anyway, ano ang mga paborito mong gawin if your off sa showbiz sked mo? “Ako, mahilig akong manood ng films, at talagang sa sinehan pumupunta ako para talagang makita ko sa bigscreen at ma-feel mo talaga iyong movie.” Huh talaga! Maybe para din makakuha siya ng mga styles in acting. Sino ba ang mga favorite mong artista? “Huh, local si Vilma Santos, like si Joel Torre, sa international Sean Penn, pero pinakapaborito ko talaga si Daniel Day-Lewis.”
Ano iyong ibang hobby mo? “Ah ngayon po I’m into motorbiking.” Ano ang favorite shoes mo, kasi ngayon mukhang naka-tsinelas ka lang. “Ay hindi po galing lang ako sa isang show.”
Sa umaga paggising mo, ano’ng unang ginagawa mo, nagmumumog ka ba muna o ano? “Ah ako I’m out of my head when I wake up, wala po talaga ako sa sarili ko. Pero first thing, I check my phone.” Anong favorite breakfast mo? “Ah Pinoy! Tuyo, sinangag, ‘yun masarap!” Pinoy na Pinoy.
Oh, ano bitin ba kayo? Alam ba ninyong napakahaba ng usapan namin, sayang lang at nagloko ‘yung recorder ko. Nex time kukunan ko talaga siya ng kanyang lifestory.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia