PAGKATAPOS ng matagal-tagal na pananahimik sa pagsasalita sa kanyang personal life ay nagsalita na rin sa wakas si John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho o KMJS.
Sa El Nido, Palawan nakahanap ng ‘second home’ si Lloydie at ito ay kanyang ipinasilip kay Jessica Soho. Kumpara sa mga interviews nito bago siya nagdesisyong mag-leave sa showbiz commitments niya noong 2017, halatang nasa better state na si John Lloyd at tila maaliwalas ang kanyang mukha. Mas relaxed na ito at ibang-iba ang kanyang aura. Kita na ang contentment sa kanyang mga mata.
Sa nakakatuwang panayam sa kanya ni Jessica Soho ay napag-usapan nila ang ilang mga personal na bagay, na nood ay iniiwasan ni Lloydie.
Alam naman ng lahat na noong nilisan ni Lloydie ang showbiz noong 2017 ay nagsama sila ni Ellen Adarna na nagbunga ng isang cute baby boy na si Baby Elias. Noong November 11 ay ikinasal na si Ellen kay Derek Ramsay in an intimate wedding ceremony.
“Finally, she found the one.” Simpleng sagot ni John Lloyd.
“You have to put it in context, and I have to be careful because that’s her life.
“Nagsimula at magtatapos sa anak namin yung aking masasabi patungkol sa kanya or sa buhay niya. Kaya when talking about her, I need to be careful.” maingat na sambit ni JLC.
Nagpahayag din ito ng kanyang kasiyahan sa pagiisang-dibdib nina Derek at Ellen.
“S’yempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world. And I wish them a strong and fun marriage kasi vital ‘yan sa welfare and growth ng anak ko”.
Open naman si Ellen Adarna na si John Lloyd ay ‘present father’ pagdating sa anak nilang si Elias at kahit si Derek ay nagsabing okay ang co-parenting set-up nila.
Hindi napigilan ni Jessica na tanungin si Lloydie patungkol sa kanyang past failed relationships. Sa pelikula kasi ay maituturing na top romance-comedy leading man si John Lloyd lalo na sa mga pelikula niya kasama sina Bea Alonzo at Sarah Geronimo. Bakit kaya sa totoong buhay ay tila laging sawi sa pag-ibig ang ating bida?
“Naku! Mahirap sagutin ‘yung bakit!’ seryoso pero natatawang sagot ni JLC.
“Sana alam ko ‘yung sagot. Definitely, it takes two to tango. Definitely nagkulang ako sa bawat pagkakataon sa bawat isa sa kanila.
“Kung hindi naman talaga nararapat, bakit natin ipipilit? Baka hindi pa siguro rin akma.” pagtatapos ng bagong Kapuso actor.
Hmmm… baka naman sa bakuran ng GMA-7 mahahanap ni JLC ang kanyang ‘the one’! Ano sa tingin niyo?