OY, LILINAWIN KO lang po, ha? Hindi po kami ang idedemanda ni Tito Dolphy ng libel. At nilinaw na rin po ni Tito Dolphy na hindi po kami ‘yon. Nagkataon lang na pareho kaming sinulat nu’ng writer na kinaiinisan niya.
“’Yung kay Ogie, ibinigay pa nga niya ang side ni Vandolph, so okay na ‘yon. ‘Yung sa isa, parang sobra na, eh. Hindi na totoo!”
Isinulat kasi namin sa isang tabloid ang engkuwentro sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa likod ng City Hall ng Quezon City last August 11, bandang 5 p.m. diumano ni Vandolph sa isang motorista (as in naka-motor din).
Nagkaroon ng “bangayan” habang tumatakbo ang diumano’y sasakyan ni Vandolph at ng motor na nag-cut sa dinadaanan ng sasakyang Ford na blue raw ni Vandolph na naging sanhi ng habulan at hamunan.
Pero ito’y nilinaw ni Vandolph na hindi siya ‘yon at wala siyang dapat iesplika dahil nandu’n siya sa house nila ng dyowa niyang si Jenny sa Fairview.
Kahit kelan, eh, hindi namin binastos si Tito Dolphy. Mataas ang respeto namin sa King of Comedy kaya hindi kami gagawa ng bagay na hindi fair sa kanya.
Inilabas namin ang panig ni Vandolph kinabukasan agad kaya alam naming naging parehas at patas kami.
HONESTLY, NAKAPAGPADAGDAG NG corporate image sa Joel Cruz Signatures ang pagkakasali ni John Lloyd Cruz, huh!
Sumosi nang konti ang produktong pabango at cologne ng aming kumareng si Joel Cruz (na kasali rin sa Celebrity Duets), kaya meron nang John Lloyd Cruz Likes Her na pambabae at John Lloyd Cruz Like Him ang brand ng pabango.
Sa ginanap na fashion show at press launch bilang pagwe-welcome kay John Lloyd bilang kapamilya na ng Joel Cruz Signatures ay iba ang dating ni John Lloyd kesa kay Alfred Vargas.
At inamoy namin ang pabango at ginamit sa aming braso para bang sampol. In fairness, all day long ang amoy, huh!
Read Ogie Diaz’ Blind Item: Sexy star, mabaho ang paa!
Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz