Excited na sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual sa premiere night ng pelikula nilang “Hele sa Hiwagang Hapis” na magaganap na bukas (February 18) para sa annual Berlin Film Festival. Ang pelikula ay tumatalakay sa Philippine Revolution ng taong 1896-1897 laban sa mga Español .
From some international news portal, balita na sold-out na ang mga tickets para naturang premiere night screening ng pelikula.
Kung hindi ako nagkakamali, noong Saturday pa bumiyahe sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual papuntang Berlin, Germany.
Sa pagbabalita ni Direk Paul Soriano sa kanyang Instagram account na @paulsoriano1017 ay dumalo sila sa isang talk ng Academy Award winning actress na si Meryl Streep sa master class nito, kung saan ang actress ang President of Jury para sa 66th Berlinale.
Direk Paul plays executive producer for the film. Kasama nina John Lloyd at Piolo sa Berlin bukod kina Direk Lav Diaz at Direk Paul ang mga co-stars nila na sina Alessandra de Rossi, Susan Africa, at Joel Saracho.
Kabilang din sa pelikula sina Cherie Gil, Angel Aquino, at Sid Lucero.
Goodluck sa casts, and bring home the bacon.
Reyted K
By RK VillaCorta