John Lloyd Cruz, proud na pasok sa Berlin International Film Festival ang pelikula nila ni Piolo Pascual

John-Lloyd-CruzHumarap si John Lloyd Cruz sa congressional hearing last Wednesday afternoon para ibigay ang kanyang opinyon sa issue at iskandalo na kinaasangkutan ng MMDA-MMFF dahil sa pagkalaglag ng pelikulang “Honor Thy Father” sa Best Picture category, kung saan bida si Lloydie and at the same time ay co-producer-financier ng obra ni Direk Erik Matti.

Pahayag ng aktor sa media last Wednesday, “Kasi kung walang gagawa nito, sino pa ba ang gagawa, ‘di ba? Tayo-tayo rin naman ang magtutulungan, eh. It’s a good thing para sa mundo ng pelikula.”

Kung saan dadalhin ang isyu ng MMFF 2015 scam and scandal ay abangan na lang natin sa mahabang proseso ng imbestigasyon na hopefully, panahon na para baguhin ang sistema.

Ang para sa mga taga-showbiz ay gagawin ng mga taga-showbiz.

Ang MMDA at mga LGU sa Metro Manila, ang trabaho nila ay ayusin ang trapik at ang pag-alis ng mga basura sa kalye, pigilan ang pagbaha, at kung papaano maging safe ang lansangan para sa taumbayan.

Sa kabila ng mga kapalpakan ng MMFF 2015, buo pa rin ang tiwala at suporta ng aktor sa showbiz, lalo pa’t malapit na ring ipalabas ang pelikula niya with Piolo Pascual na “Hele ng Hiwagang Hapis” ni Lav Diaz at kasama sa 2016 Berlin International Film Festival Main Category na proud si Lloydie sa kaganapan ng kanyang career.

Sa Berlin International Film Festival, proud si Lloydie na ibalita na ang batikang Hollywood actress na si Merryl Streep ng siyang isa sa mga Jury sa festival.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleSylvia Sanchez, pahinga muna matapos ang ang morning serye
Next articleSolenn Heussaff, “celebration of union” daw at ‘di kasal ang naganap sa Argentina

No posts to display