John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo movie, punong-puno ng romantic lines

GAYA NG inaasahan ay blockbuster ang It Takes a Man and a Woman na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. The movie is directed by Cathy Garcia-Molina. Hindi natitinag sa pagpila ang loyal fans ng dalawa just to watch the third installment of the love story of Miggy Montenegro and Laida Magtalas. Kuwento ng isa kong kaibigan, iyong pamangkin daw niya ay dalawang beses nanood ng pelikula at may balak pa itong ulitin hangga’t palabas sa mga sinehan.

Hindi mo masisisi ang fans dahil talaga namang nakakikilig ang kuwento. Pusong bato ka kapag wala kang naramdaman ni konting emosyon kapag pinanood mo ang pelikula. Hitik sa mga romantic lines ang It Takes a Man and a Woman gaya ng mga sumusunod:

Laida: You better stay close to me.

Miggy: Gaano ka-CLOSE?

Laida: Ano ang kailangan nating gawin para makamit na natin ang kanilang matamis na ‘oo’.

Miggy: We buy it.

Laida: Binabayaran mo ang ‘oo’ ng nililigawan mo? Parang wala naman akong natanggap na bayad noon.

Miggy: Ako ba ang nanligaw noon?

According to an article on ABS-CBNnews.com, Lloydie revealed his favorite scene in the movie. “Iyong sa dulo po [ang favorite ko]. The last two scenes or the second to the last scene kasi kami ni Sarah ang nagsulat.”

Hindi mo maikakailang malakas ang chemistry nina Lloydie at Sarah on and off-screen. Sabi nga ni Lloydie sa The Buzz, “Wala naman siyang secret [iyong team-up namin]. Parang iba iyong chemistry ko let’s say with Toni, iba-iba siya, eh. Para siyang gift or blessing na nabibigay sa dalawang tao dahil magkakaiba, hindi pare-pareho.”

Paliwanag naman ni Sarah, “Importante ang magandang working relationship. Ito ang best working relationship namin. Iyong first one, totoong-totoo iyong kilig. Pati iyong second, totoo rin. Komportable na kami.”

Nagpapasalamat si Lloydie dahil ipinagkatiwala sa kanila ni Sarah ang mga papel nina Miggy at Laida na kabilang sa mga di-malilimutang karak-ter sa history of Philippine cinema. “Na-realize ko nga, after doing three stories, sabi ko, sobra siyang [natural]. Siguro ganoon din tinira ni Direk Cathy and ng writer namin, they got their inspiration sa amin mismo.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleLorna Tolentino, excited na sa indie film tungkol ina ng desaparecidos
Next articleJennylyn Mercado, Paulo Avelino and Lovi Poe:
Can You Feel the Pressure Right Now?

No posts to display