Hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin ang pelikulang “Honor Thy Father” ni John Lloyd Cruz na dinirek ni Erik Matti, entry for Metro Manila Film Festival. Kahit hindi box-office hit, naging controversial naman ito. Hindi kasi napasama sa Best Picture category sa nakaraang awards night ng MMFF. Pero nanalong Best Director si Erik Matti. Marami ang nagsasabing kakaibang portrayal ang ipinakita rito ni JLC na hindi niya ginawa sa kanyang mga pelikula.
Sobra raw na-in love si John Lloyd Cruz sa character na ginampanan niya bilang si Edgar, physically and emotionally demanding. First time humawak ng baril, nagpa-shave ng buhok, nag-stunts, driving fast, firing shots, nag-swimming in deep water at nag-aral magsalita ng Kankanaey. Pati nga pagwe-welding ay pinag-aralan ng actor para lang maging realistic ang kanyang mga eksena.
Sobrang dedicated sa trabaho si Lloydie, lahat gagawin niya sa ikagaganda ng pelikula. Totoong worth watching ang “Honor Thy Father”. Maayos at maganda ang pagkakasulat ni Michiko Yamamoto, perfect ang tandem nila ni Direk Erik. Pati cinematography, ang galing, na-capture niya ang atmosphere ng bawat scene.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield