KAPAG IN love ka, kahit ano p’wede mong gawin mula sa pangkaraniwan. Hindi ka naman manunulat ng kanta pero magagawa mo. Hindi mo naman kadalasan ipinamamalas sa kapareha mo, pero siya na mahal na mahal mo, oks lang sa ‘yo. Wala mang deklarasyon mula sa inyo, mababasa ng mga tagamasid sa kilos at salita n’yo kung gaano ninyo kamahal ang isa’t isa.
Mahal na mahal ni Angelica Pa-nganiban si John Lloyd Cruz. Sa sobrang pagmamahal, nakagawa siya ng isang awitin para kay JLC. Sa Barcelona, Spain, naramdaman ni Angel ang pagmamahal na ‘yun. Hindi man niya masabi sa mga kasamahan tulad nina Bea Alonzo na kasabay niya sa isang show abroad, mag-isang pumunta sa isang cafe at sinulat lang sa isang tissue paper, nabuo niya ang mga titik.
Sa Pelikulang #mahabanggabimadalingaraw na obra ni Direk Dante Nico Garcia, nakapaloob ang awiting Barcelona na si Angelica ang nagsulat ng titik na ang musika naman ay nilikha ni Glaiza de Castro.
Naitanong ko sa mga kasama-hang entertainment press kung nagpahayag na sina Angel at JLC ng kanilang pagmamahalan sa media mula nang maghiwalay naman ang aktres at si Derek Ramsay at si JLC naman ay nakipag-part ways with Shaina Magdayao. Sabi nila, wala pa raw official statement. Wala ni isa sa dalawa na nagdeklarang mahal nila ang isa’t isa at sila na nga ang mag-on.
Pero sa showbiz, action speaks louder ng words. Hindi na kailangan ng kumpirmasyon. Binabasa mo na lang at ginagawan ng interpretasyon ang mga galaw ng bawat isa.
Pero sa isang exclusive video na kuha ni Direk Ga sa dalawa nang minsan naimbitahan ni Angel si Direk at mga kasama nito sa pelikula, hindi man naka-plano, pumayag ang dalawa na ma-video ang casual dinner-drinking session ng dalawa sa bahay ni Angel.
Biruan nga ng press na nakapanood ng video, biglang naging romantiko si JLC sa kanyang pahayag ng kanyang pagmamahal sa dalaga.
Reaksyon ko, ganyan ba si JLC? Sapul na sapul ni Kupido ang puso ng aktor at basa mo kung gaano niya kamahal si Angel na hindi namin nakita noong sila pa ni Shaina.
P’wede palang maging romantiko si Lloydie to the max. Sa mga karakter niya sa pelikula na nagawa niya, kung babae ka na nagmamahal sa kanya, p’wede mo nang gawin ang lahat-lahat para lang iparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal.
Sa kabila ng mga negatibong reaksyon ng iba sa pagmamahalan nina Angelica at JLC, ang buhay pag-ibig ngayon nilang dalawa ay tipong ‘You and Me Against the World’.
Si John Lloyd, walang pakialam sa sasabihin ng tao. Basta ang mahalaga, nararamdaman niya ang pagmamahal ni Angelica sa kanya. Basta ang importante, mahal na mahal nila ang isa’t isa.
SEEN THE the Visayan digital movie Palad Ta Ang Nagbuot (Our Fates Decides) produced by husband & wife team of Dandin Ranillo & Alice Romero-Ranillo (personal friends namin sila) at the MOWELFUND last Saturday afternoon.
I discovered na marunong umarte si Nonito Donaire. Komikero at marunong ding mag-drama at magaling sa timing. Sabi nga ng mga press na nakapanood, mas magaling ‘di hamak si Nonito kaysa kay Pacquiao. Si Nonito, natural umarte at hindi conscious unlike Pacman na bawat galaw sa harap ng kamera ay may bilang. Alam mo na umaarte lang siya.
At first, I thought baka hindi ko maintindihan ang pelikula dahil the whole film’s dialogue is in Cebuano (with English sub-title naman).
Magaling ang back-up ni Nonito sa first venture niya sa pag-arte. Suportado ang boxing champ ng komedyanteng si Garry Lim at Cebuano novelty singer na si Max Surban.
Wala pa ring kupas si Gloria Sevilla who played the “lola” in the movie. In the late 60’s, Tita Gloria was a star in the Visayan film industry bago siya inimbitahan ng Premiere Films (of the Santiago family) to try her luck sa Manila film industry. The movie is also supported by Mon Confiado, Krisell Valdez (runner-up to Angeline Quinto in Kapamilya Network’s Star Power Search), Suzette Ranillo, Perla Bautista, Lolly Mara and Karla Estrada. The film is directed by Dandin Ranillo.
Hopefully, masuportahan ang muling pagbabalik ng Visayan films sa industriya. As far as I know, mas marami ang Visayan speaking Pinoys kaysa sa mga nagsasalita o nakakaintindi ng Tagalog.
Reyted K
By RK VillaCorta