SPEAKING OF MMFF 2015 pa rin, ayon sa chika ng aming source, kabilang rin sa mga nag-submit ng script last week (sa deadline nito in submission sa MMFF committee), ang movie ni John Lloyd Cruz under Direk Erik Matti.
This is such a big news naman para sa loyal fans and followers of John Lloyd, dahil kung hindi kami nagkakamali ay first time nga ba ni Loydie na magkaroon ng entry – kung sakaling mapili – sa MMFF tuwing Pasko?
It could be recalled na ang anumang JLC movie in the past years under Star Cinema ay kumikita nang malaki, maliban sa last film nitong The Trial (as compared sa past JLC movies) – anumang buwan ng taon, from John Lloyd films with Bea Alonzo, Sarah Geronimo, etc.
Con Man ang sinasabing final title ng movie ni John Lloyd na dating “Ponci” na naging “Honor Thy Father”, mula sa script ni Michiko Yamamoto, at solo ng Reality Entertainment ang film outfit na nag-sumite sa MMFF, wala itong co-producers unlike in their past MMFF films na Aswang Chronicles series na may GMA Films, etc.
Ang Con Man (short for Confidence Man) ay isang crime-thriller, kung saan kasama rin ni Lloydie sa cast sina Meryll Soriano, Tirso Cruz III, Perla Bautista, Dan Fernandez, and others.
Ang makalalaban lang ni Lloydie sa genre na ito sa MMFF (na may pagka-action rin) ay ang Nilalang naman ni Robin Padilla, kasama ang Japanese porn star na si Maria Ozawa – isa ring action-suspense-thriller naman.
Kung tutuusin, sa MMFF, iba-ibang genres ang pinipili. Let’s see if kapwa makalusot ang films nina Lloydie and Robin, dahil sa comedy genre ay nandiyan ang Vic Sotto-Ai-Ai delas Alas film, ang Kris Aquino-Herbert Bautista film, ang Vice Ganda-Coco Martin film.
Sa horror, nandiyan ang Haunted Mansion ng Regal with Janella Salvador, directed by Jun Lana, at ang Katakut-Takot na horror-comedy naman starred and produced by Marvin Agustin, directed by Enrico Santos.
Sa drama genre, nandiyan ang Kabisera ni Nora Aunor, Ricky Davao, Jason Abalos, JC de Vera, at Luis Alandy, directed by Real Florido. Nandiyan din ang historical films na Lakambini with Lovi Poe and Paulo Avelino, pati na ang Sino Nga Ba Si Hermano Pule? ni Direk Gil Portes.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro