HINDI IKINAILA ni John Lloyd Cruz na may pagkakataon na inisip niyang iwanan na ang showbiz career.
“Hindi ako nagsisinungaling,” say ni John Lloyd sa panayam sa kanya ni Kuya Boy sa Tonight With Boy Abunda last Thursday. “I mean, hindi ako magpapakaipokrito. Kasi ano ‘yan, it’s life’s natural cycle and you don’t go against it. You don’t argue with it. At sa aming mga artista, humihirap lang. Kasi may commitment kami lagi. Mayroon kaming kontrata, mayroon kaming nasagutan, mayroon kaming commitment sa audience, sa network and to myself.
“But if I would honor myself more than the rest, baka mas madalas akong nag-walk away. Because walking away, meaning hindi naman para talikuran lahat or iwan. Sometimes you just have to walk away para pagbalik mo re-charged ka, okey ka.”
When asked by Kuya Boy, kung takot ba siyang malaos, kaagad na sagot ni Lloydie ay hindi naman daw.
“Kasi hindi naman ‘yun ang pinunta ko rito,” patuloy ni Lloydie. “It’s my love for the craft, and that’s it. It has been taking me to places I’ve never been to. ‘Yung nabigay niya sa akin, ‘yung impact niya sa tunay na buhay ko, eversince parang magmula Tabing Ilog days pa, malinaw na sa akin ‘yun,” say pa ni Lloydie.
Kaya lang, nagsinungaling si Lloydie nang tanungin ni Kuya Boy sa portion ng show na mamimili ang guest between two choices lang. Chocolate kasi ang pinili ni Lloydie over sex, pero sa totoo ay sex ang gusto niya at hindi talaga chocolate na ikinatawa ng mga taong nasa show at maging si Kuya Boy.
Samantalang dahil sa tuluyan nang tinanggal bilang official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival ang historical movie na Hermano Pule na pagbibidahan sana ni Aljur Abrenica, ang entry movie ni John Lloyd Cruz na Honor Thy Father na idinirek ni Erik Matti ang siyang mapalad na naging kapalit para sa darating na taunang festival na MMFF.
Ayon sa balita, hindi na raw ipinagpatuloy ng producer ni Aljur na gastusan ang movie dahil nagdesisyon ito na gamitin na lang daw ang magagastos sa movie sa kandidatura nito sa 2016 elections.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo