TAMBAYAN NAMIN ang isang donut house sa may panulukan ng Roces Ave. at Quezon Ave. sa tabi ng isang motel.
Sikat ang motel. Sa katunayan, ilang beses na kaming nakakikita ng mga showbiz celebrities na pumapasok sa loob at nagtse-check-in dahil may “magic door” mula sa tambayan namin papasok sa “langit-langitan” ng panandaliang sarap na hanap ng katawan.
Of all places, guess who kung sino ang nakita namin sa “motmot” na ‘yun? No less than John Lloyd Cruz. Yes, magtse-check-in sa motmot na ‘yun si JLC at hindi si Angelica Panganiban ang ka-join ng guwapong aktor, but no less than Toni Gonzaga.
May isang eksena sila na kukunan sa harap ng front desk ng motel kung saan kunwari magtse-check-in sila on Valentine’s Day for a change, para maiba naman ang ambience ng kanila loving-loving. Kaso puno dahil Araw ng mga Puso, hindi sila natuloy. Ang maikling eksena na ‘yun ay mapapanood sa Valentine’s Special ng Home Sweetie Home that falls mismo sa Araw ng mga Puso.
Bago mag-take, sumilip muna sa tambayan namin si JLC via the magic door. Bumati habang sa mesa ay katsikahan namin ang current PMPC President na si Joe Barrameda at ang former prexy na si Fernan de Guzman aka Ms. F.
Piktyur-piktyur with the staff of the donut house at kami man ay nakisali na rin.
Sa short time na chika namin with JLC, naikuwento niya na excited siya sa new film project niya, kung saan gagawa ng isang mala-action thriller (his first kung hindi ako nakakamali) with Eirk Matti na co-produced ng Star Cinema.
“Isa-submit namin sa Cannes Film Festival,” pagmamalaki ni Lloydie.
First time niya gagawa ng action-thriller. “For a change,” sabi ni JLC.
Itong buwan sila magsisimula ng shooting. And knowing Direk Erik, I’m sure kung hindi man mapantayan ang pelikulang OTJ nina Joel Torre, Gerald Anderson, at Richard Gomez na dinirek din ni Matti, baka makabog pa ng bagong obra ng tambalang JLC at Erik M.
Reyted K
By RK VillaCorta