John Lloyd, may kinalaman sa puso ang pagiging lasenggo?!

KULANG NA LANG ay sabihin ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang sampalataya sa mga political surveys, but he churned out a sugar-coated interpretation to these: Indicators lamang ang mga ito. Sa madaling salita, these are inconclusive figures na puwede pang magbago between now and henceforth.

May punto si Jinggoy, huwag muna nating isali ang kanyang presidentiable-father who, based on the latest survey, ranks third. Ibase na lang natin sa sinasabing “statistical tie” between Noynoy Aquino and Manny Villar with the latter inching his way up.

In a news report, five out of 10 daw sa survey ay boboto kay Noynoy dahil kay Kris, pero huwag ka, sa isang umpukan ng showbiz press, about 12 were seated pero bokya ang boto para kay Noynoy because of Kris!

Pero aminado si Jinggoy na sa hanay ng mga kakandidato muli sa pagka-senador, isa o dalawang hibla ng buhok ang lamang ng kanyang matalik na kaibigan na si Senator Bong Revilla. Apektado ba ang kanilang friendship? “Hindi,” sey agad ni Jinggoy, “kinakantiyawan ko pa nga siya, eh, ‘O, ano, nangunguna ka, ha?’”

But of course, we’re not even in mid-Feb, mahigit tatlong buwan pa bago umupo ang susunod na lider ng bansa down to his “runners-up” kumbaga sa beauty contest.

ANGKOP SANA ANG latest film ni John Lloyd Cruz under Star Cinema na Miss You Like Crazy for the press to probe into the actor’s alleged craziness over matters of the heart. Pero bago pa man pormal na sinimulan ni Tita Ethel Ramos ang Q & A portion, idineklara na niyang wala nang one-on-one interviews with the cast members including Bea Alonzo.

Moreso, questions about the Cathy Molina movie were most welcomed, pero hanggang du’n lang, no more, no less, no in-betweens. Sayang, it could have been the press’s chance to ask if there’s truth to JLC’s habitual drunkeness na bunga ng sawing pag-ibig.

Kung ang karakter niya sa Miss You Like Crazy ay ang lalakeng hinahabul-habol ng agresibong si Bea, why does it seem otherwise in real-life?

PINANGUNAHAN KAMAKAILAN NG dyosa ng isang pulitiko (herself a public servant in a local level) ang isang showbiz event na may magandang layunin kuning-kuning. Bale ba, ang title card sa VTR presentation sa girlilet ay “First Lady” kung siya’y tawagin, ‘yun, eh, kung papalarin ang kanyang boyfriend.

But sorry sa panlalait, it’s not about her looks, it’s about her total packaging that makes her a non-First Lady material. May hitsura naman siya, in fairness, pero wala siyang spunk. Kumbaga sa ramp model, mas maganda pang bihisan ang mannequin kesa sa kanya.

Muli, naitanong sa kanya ang kanyang relasyon sa bunsong kapatid ng kanyang jowa. Okay ba sila? “Oo naman, oo naman,” mayumi niyang sinabi sa gitna ng makapal na tao.

Ay, hindi rin pala siya sister-in-law material!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJericho Rosales, iwas sa pagsagot sa bagong pag-ibig!
Next articleAmpon ni Shawie, tunay na anak ni Sen. Kiko sa ibang babae?!

No posts to display