Bilib kami sa mga artistang may balls. May “bayag”, kumbaga. Yes, meaning, mga artista na may gustong sabihin at mensaheng itinatawid na sa panahon ng ligalig, paninindigan nila kung ano man ang paniwala nila.
Kaya nga nang maglabas ng litrato sa social media ang human rights group na Karapatan last Wednesday afternoon, napabilib kami sa aktor na si John Lloyd Cruz na hindi nagdalawang-isip na hawakan ang karatula na nakasulat ang short message na “I Am An Artist For Peace”.
Panawagan ni Lloydie, kasama ang iba pang mga artista tulad nina Joel Torre at Nora Aunor na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan, na mula nang mag-back-out si President Rodrigo Duterte sa peace negotiation ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) with the National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang mga tunay na nagmamahal sa bayang Pilipinas (indibiwal man o grupo) na naniniwala sa kapayapaan, kumikilos sa sarili nilang kakayahan at effort para bigyan ng pangalawang pagkakataon ang pag-uusap para sa pagpigil sa “all out war” ng presidente mo.
Sa short chat namin last Wednesday with Karapatan’s Sec. Gen. Tinay Palabay on John Lloyd’s photo circulating sa social media, sabi niya sa amin, “He was in a forum kanina (Wednesday) when members of Karapatan and Tudla, who have embarked on a video project to interview people on their thoughts on just and lasting peace and the GRP-NDFP peacetalks, approached him. We already released a video of Nora Aunor yesterday. Tonight (Wednesday evening), we will release the video of John Lloyd’s interview. Marami pa po ang videos na kasunod ng iba’t iba pang tao – artists, peace and human rights advocates, workers, urban poor, kids, etc.”
Isang brave stand ito para kay Lloydie, na ang popularidad niya bilang isang artista ay nagagamit niya para sa awareness ng isyu at adbokasiya sa mga isyung pinaniniwalaan niya.
Mabuhay ka, John Lloyd Cruz!