NAKUHA NA NG mga Webb at ng iba pang kapamilya ng mga nakasama ni Hubert Webb ang hustisyang 15 years din nilang hinintay.
Habang si Mang Lauro Vizconde ay nalungkot sa naging desisyon ng Supreme Court kasabay ng pagtatanong sa sarili ng, “Kung hindi sila, sino ang pumatay sa mag-iina ko?”
OO NGA, ‘NO? Kung hindi talaga sila ang pumatay, nasa’n na ngayon ang mga kriminal? Saan na sila nagtatago ngayon?
At pa’no na ngayon si Jessica Alfaro, the Star Witness, na pinalabas ng Supreme Court na she’s not a star witness, but a “former NBI agent”?
Reresbakan ba nila si Jessica ngayon?
At ano na kaya ang reaksiyon ni Jessica? Binabalak ba niyang magpakamatay? O palitan ‘yung shades niya?
KUNG HINDI NATIN alam na kinse-anyos sa New Bilibid Prisons sina Tony Boy Lejano, Pyke Fernandez, Hubert Webb at ‘yung iba pa, iisipin mong galing sila sa drug rehabilitation center, dahil sa kanilang mga hitsura na mukhang bonggang withdrawal ang ginawa.
Anyway, sana, sa kanilang paglaya ay namnamin nila’t gawin nilang kapaki-pakinabang ang kanilang buhay, dahil ‘pag nakulong ka, buhay ka pa ay para ka nang unti-unting pinapatay.
MAGPA-PASKO NA, SANA ay makapag-usap sina Cristine Reyes at Sarah Geronimo since iisa lang naman ang kanilang talent manager, ang Viva Artists.
Hindi nag-aaway sina Sarah at Cristine. Dahil hindi sumasagot si Sarah sa mga paratang ni Cristine. Itong huli ang tweet nang tweet sa kanyang account ng mga pasaring kay Sarah.
Sabi nga namin, isang denay lang ni Sarah bilang sagot sa akusasyon ni Cristine, patay na ang isyu at magmumukha pang tanga si Cristine.
Ipinagtanggol din ni John Prats si Sarah sa akusasyon ni Cristine. Habang may ilang taga-Banana Split kaming nakausap, kung saan dating show ito ni Cristine.
Ang sabi, “Maarte lang talaga si Cristine!”
Hindi kami close ni Cristine, kaya no comment kami.
BLIND ITEM: NALUNGKOT kami nu’ng ibalita sa amin na nasa stage 4 na ang lung cancer ng isang nirerespeto naming artista sa industriya. Sana’y magkaroon pa rin ng himala, dahil napakabait na tao nito.
Actually, ayon sa aming source, tanggap na raw nito ang kanyang sitwasyon, kaya nga nagpapatawag na ito ng family reunion para hanggang sa huling sandali ay ma-enjoy niya ang malaking pamilya.
Gusto naming yakapin nang mahigpit ang isang taong hindi siya iniwan sa pakikipaglaban niya sa buhay.
Magdadasal pa rin kami para sa himala.
Tulad ng pagdarasal namin para sa dalawang miyembro ng aming pamilya na sana ay bigyan pa ng chance ni Lord na mabuhay nang matagal.
Oh My G!
by Ogie Diaz