NAKAUSAP NAMIN SI John Prats sa presscon ng MSE, kung saan isa sa maiinit naming tinanong sa kanya ay kung ano ang reaksyon niya nu’ng naparatangan siyang playboy o two-timer nang maghiwalay silang dalawa ng ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go at maiturong third party naman si Bianca Manalo.
Maigsi pero makahulugan ang mga salita sa amin ng aktor, na ang importante ay alam niya sa sarili niya ang totoo at ‘di na lang niya pinapansin kung anuman ang mga negatibong paratang sa kanya.
Sa tanong namin kung totoo bang pormal na niyang naipakilala si Bianca sa pamilya niya, inamin naman sa amin ni John na naipakilala na nga niya ang aktres sa mga Prats at nangyari ito nu’ng birthday recently ni Daddy Dondie.
Ayon kay John, nakita naman niya na gusto naman ng pamilya niya si Bianca, kung saan ang pagiging totoong tao nito ang isa sa mga kata-ngiang ginusto nila sa TV host/actress.
Consistent pa rin sa pagsasabing hindi pa sila mag-boyfriend ni Bianca at ang hiling nga ni John sana ay sagutin siya ng co-host sa Happy, Yipee, Yehey! ‘Di rin itinago sa amin ng aktor na nu’ng una ay wala talaga siyang gusto kay Bianca lalo’t alam niya na alanganin sila sa height.
Pero dahil nga sa panunukso ng mga kasamahan nila sa HYY at na-involve pa si Bianca sa break up nila ni Rachelle, nabuksan ang komunikasyon sa kanila ng aktres, naging magkaibigan hanggang sa nauwi nga sa pagkakagusto niya rito.
Sa kabila ng pagsasabi ni John na ‘di pa sila ni Bianca, marami ang naniniwala na ayaw lang daw aminin ng dalawa ang kanilang relasyon, pero kitang-kita mo naman daw sa dalawa kung ano talaga ang namamagitan sa kanila.
SA PANAHON NG pagiging manunulat namin at mamamahayag sa DZRH, hindi namin ginamit kahit minsan ang aming column o maging ang radyo para ilabas ang aming mga personal na damdamin at saloobin tungkol sa mga nangyayari sa amin sa showbizness. Darating din pala sa punto na dahil tinatapakan na ang pagkatao mo, minamaliit na ang kakayahan mo, nagpa-powertrip ang iba at binabastos ka na ay maiisip mong kaya ka nga nilagay sa trabahong ito ay para matuto ka namang lumaban kung kinakaila-ngan.
Dalawang beses nang ginagawa ni Thess Gubi, PR ng Star Magic ang ipa-ban ako sa mga events ng Star Magic. Una na niyang ginawa ito sa Star Magic Sportsfest, at ngayon naman ay sa Star Magic Ball na ginanap nu’ng nakaraang Sabado sa Manila Peninsula. Ang dahilang ibinigay, nara-rattle at kinakabahan daw ang mga artista ‘pag ako na ang nagtatanong sa kanila ng mga isyung kinasasangkutan nila.
‘Di ko alam kung matatawa o maiinis ako nang makarating sa akin ang rason na ibinigay na ito ni Thess. As fars as my memory can remember, mula nang magbalik telebisyon ako sa Cinema News, kontrolado at sa marespeto kong paraan dinaraan ang mga isyung tinatanong ko sa mga artista mapa-Star Magic man sila o hindi.
Ang sa akin lang, kung may ganito palang problema si Thess sa akin, puwede niya akong kausapin ng diretso at sabihin sa akin nang harap-harapan kung ano ang mga reklamo niya. Sa ilang pagkakataon na nagkikita kami sa bakuran ng ABS, binabati niya ako, kinakausap pero hindi ko alam, talikuran pala ay may ganito siyang ginagawa sa akin. Ang masakit nasa iisa ka-ming bubong, nasa iisang tahanan pero nasaan ang pagiging isang Kapamilya sa ginagawa niya?
Sa haba ng panahon ng pagsusulat ko, napakarami ko nang naisulat sa mga taga-Star Magic. Hindi ko ugaling manguwenta pero ni minsan, wala akong narinig na pasasalamat sa kanya bilang isang PR. Sa akin naman, okay lang ‘yun. Sinusulat ko ang mga taga-Star Magic, dahil trabaho ko ‘yun bilang manunulat at bilang mamamahayag. Pero ang pailalim akong tirahin na wala akong kalaban-laban kundi dahil ginagawa ko ang trabaho ko, iyan ang ‘di katanggap-tanggap para sa akin at para sa ibang kapatid ko sa panulat.
Ang trabaho ng PR ay magsilbing tulay para maging maayos at maganda ang relasyon ng artista sa mga taong nakakatrabaho niya. Pero paano mangyayari ito kung ang problema ay nagsisi-mula mismo sa mga PRs nila?
Respect begets respect, matuto kang rumespeto para irespeto ka ng iba, at sana matutuhan ni Thess Gubi ang salitang ito.
Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA