Kung taga-Visayas (Negros Occidental or Iloilo) ka, imposibleng hindi mo narinig ang kuwento tungkol sa isang pamilya ng mga aswang sa isang bayan sa isla ng Panay.
Naging kuwentong-bayan ang tungkol kay Teniente Gimo, na ayon sa kuwento ng lola ko o mas nakatatanda sa akin, kinatatakutan si Teniente Gimo at ang bayan ng Dueñas sa probinsiya ng Iloilo.
Recently, sa kagustuhan kong makita kung ano ang itsura ng bayan ng Dueñas, nag-road trip akong mag-isa from Iloilo to Kalibo as my entry point to Boracay and this experience was almost 1-2 years ago.
Pero sa kamalasan ko, pagdating ko ng Dueñas, nakatulog ako sa public bus. ‘Di ko alam kung bakit ako antok na antok gayong nakapag-rest naman ako the previous night, pero waley akong nakita o nasilayan man lang na kakaiba. Sabi kasi nila, kapag aswang daw ang tao, may kakaiba ka na makikita sa mga mata nila. ‘Yun din ang dahilan kung bakit gusto kong marating ang Dueñas.
Pero ang dahilan ng road trip ko na ‘yun, para masaksihan ko kung ano ang itsura ng mga taga-Dueñas na ayon sa urban legend ay sa bayan na ito nakatira ang pamilya ni Teniente Gimo (at maraming aswang).
Ayon sa kuwentong-bayan, may isang dalagang ipinapatay si Teniente Gimo para gawing handa sa isang piging. Dahil sa pangyayari, kinatatakutan ang buong pamilya ni Teniente Gimo na ang tawag ng mga taga-Dueñas ay pamilya ng mga aswang. Kaya ang mga bisita o napadaraan sa bayan ay may takot, lalo na ang makipag-eye-to-eye sa mga taga-roon, lalo pa’t hindi mo sila kilala.
Kaya nga kapag kuwentuhan ng mga kakatakuhan sa gabi, bukod sa aswang, tiktik, wakwak, at white lady, ang kuwento ni Gimo ang hit palagi sa huntahan.
Kaya nga kapag may bbatang makulit at pasaway, gagamitin na pananakot sa mga bata ang kuwentong-bayan tungkol sa pamilya ni Gimo.
Hanggang sa nakalakhan ko ay patuloy ang kuwento sa pamilya ni Teniente Gimo na minsan ay nai-feature pa yata ito sa isa sa mga documentary show ng GMA 7.
Naipasa ang kuwento kung kani-kanino na ‘yong iba ay nadagdagan pa ng mga mas nakatatakot na mga pangyayari na ewan kung totoo o hindi.
Dahil sa interesting ang kuwentong bayan na ito, nagtangka ang KIB Production at ang RMS Proructions ni Direk Roland Sanchez na gawing pelikula ang tungkol sa buhay ni Teniente Gimo at ang kanyang pamilya.
Nasa cast ng horror film na ito sina John Regala as Teniente Gimo, Mon Confiado, Kate Brios, Eliza Pineda, Joshua Dionisio at ang aktres na si Suzette Ranillo. Ang pelikula ay palabas na sa Wednesday at distributed ng Viva Films.
Dahil mahilig ako sa mga horror films, most likely ay isa ito sa mapanonood ko sa darating na Miyerkules.
Reyted K
By RK VillaCorta