LUMIIT ANG TIYAN ni John Regala at mas naging fit ang porma nito nang makita namin siya sa birthday party ng Palm d’Or winner for Best Director na si Brillante Ma. Mendoza na ginanap sa Mandaluyong residence nito. Nag-diet si John at naging problema nga raw nito ang tumataas na blood sugar which has led to diabetes kaya naman naglaan siya ng panahon hindi lang sa diet, pati na sa clean living at ehersisyo.
Kasama si John sa cast ng Kinatay (The Execution of P) na siyang dahilan kung bakit pinarangalan si Direk Dante sa nakaraang Cannes Film Festival. Naging aktibo hanggang ngayon si John sa pagganap sa character roles, lalo na sa TV. Pero, may bagong sigla ang career niya sa indie films dahil nga sa acclaim na natatanggap ng Kinatay, lalo na sa international film scene.
Nasabi ni John na ang gusto niyang magampanan ay gay role. Never pa siyang nakagaganap ng gay. Ito ay dahil na rin sa brusko image niya, na for a time, na-stuck na siya sa kontrabida roles. Anyway, dahil sa Kinatay, may bagong interest ang ilang filmmakers kay John.
Okey raw sa laplapang lalaki-sa-lalaki on-camera si John para sa ganitong pagganap. Nasabi nga niya na kung pamimillin siya, gusto niyang matikman sa ganitong eksena si Piolo Pascual. Nahuhusayan daw siya kay Piolo dahil ang marka raw ng mahuhusay na artista ay ‘yung kahit paano’y may abnormalities. Natawa na lang si John nang pinagpapaliwanag namin siya tungkol sa term na “abnormalities” na siyang tinuran niya nang mabanggit niya ang pangalan ni Piolo.
Anyway, ang isa pang gusto niyang makalaplapan sa gay scenes, if given a chance, ay si John Lloyd Cruz. Talaga raw bibigay siya sa torrid gay kissing kay Lloydie, lalo na’t gusto ni John na makaeksena yaong mga batang aktor. At kung gaganap siyang gay, kailangan daw na babagay pa rin sa kanya at hindi ‘yung girl na girl ang dating.
ISA PANG MABUTI na lang at hindi natutuluyang maging bading ay si Paolo Rivero. Kasi naman, sunud-sunod ang mga pelikula nitong bading ang role niya. Kakapanood pa lang namin sa kanya sa Bayaw, heto at si Douglas Robinson naman ang kakuyangyangan niya sa mga eksena niya sa Little Boy, Big Boy ng Viva Digital.
Natsa-challenge pa rin daw si Paolo sa pagganap ng bading, lalo na’t nae-explore niya ang variations para mapaiba palagi ang gay characters na ginagampanan niya. Inamin ni Paolo na hirap siya sa gay roles, and it takes a lot of guts para makipagkangkangan siya sa kapwa-lalaki.
Kung sa Daybreak ay naging makatotohanan ang kangkangan nila ni Coco Martin doon at sa Bayaw, nilaplap niya nang husto si Janvier Daily at may ilang segundo rin siyang frontal nudity, sa Little Boy, Big Boy naman ay naiibang style din ang gay passion na ipinamalas niya sa ilang eksena.
Calm Ever
Archie de Calma