ALAS-SIETE NG UMAGA naka-schedule na bumaba ang eroplanong kinalulunanan ni John Rendez sa Centennial Airport noong Linggo ng umaga. Pero dalawang beses na nagpalit ng ETA (estimated time of arrival) ang flight niya. Kaya nang makalabas ito ng airport eh, pasado alas-otso na.
Sinalubong si John ng kanyang butihing ina at anak na dalaga.
Thankful si John na walang anumang hassle na pumigil sa kanyang pagda-ting sa bansa. Naluluha ang kanyang ina nang makita at mayakap na ang anak. Kahit na sumaglit na sa bansa si John noong November last year, kuwento nga sa akin ng kanyang ina talaga raw na miss na miss nito ang kanyang anak.
Nami-miss daw nito ang pagsasama-sama nilang pamilya sa iba’t ibang parte ng mundo noong nag-aaral pa si John. Kung meron daw isang hiling na lang ang Mommy ni John, ‘yun eh, ang madalaw nito ang puntod ng ama ni John sa Tampa, Florida. Pero dahil nga sa kanyang apo kay John, kuntento naman si Mommy na mamuhay nang tahimik sa kanilang ta-hanan sa Pampanga.
Nagtatakbo naman ang anak ni John patungo sa ama nang makita na ito agad. Excited din ang bagets na puwedeng-puwedeng mag-artista dahil kung meron daw siyang miss na miss sa Daddy niya, ‘yun eh ang bonding moments nila. Kaya nga nang makakain sila nu’ng lunchtime, agad-agad na nitong niyaya si John para mag-ikot sa mall.
Samantala, sa mga interviews ng Superstar na si Nora Aunor na natuon ang mga katanungan kay John, isang bagay ang nilinaw nito, na hindi niya boyfriend ang unang nakilala bilang rapper sa bansa. Naisiwalat na rin ni Ate Guy kung ano ang suportang ibinigay sa kanya ng minsang naging talent ng talent management na sinimulan noon ni Ate Guy na hindi naman nagtagal. Kaya nga nang umalis si John sa kanyang dating manager, si Ate Guy na ang nagsilbing manager nito. Hanggang sa makarating na nga sa Amerika ang Superstar at sinundan ni John.
This time, tutulungan pa rin ni Ate Guy si John na masubukang muli ang pag-arte sa telebisyon at sa pelikula. At ang maipagpatuloy ni John ang kanyang passion for music. Naiparinig na sa akin ni John ang ilang mga piyesang naimbak na niya sa kanyang laptop na ginawa niya sa pamamalagi niya sa US.
LIMAMPUNG NOBELA PALA mula sa kanyang halos 800 comics materials ang binili ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films sa nobelistang na-ging director, producer at hinirang na National Artist na si Carlo J. Caparas. At karamihan dito eh, ang mga nagawa nang pelikula ng iba’t ibang film companies.
Itinatag ang Caparas Studios dahil sa ibinigay na pakete kay Direk Carlo ni Boss Vic-isang produksyon na siya ang mamamahala sa creative aspect at may kontrol pa siya sa lahat ng proyekto.
Ito naman daw talaga ang desire ni CJC, ayon sa kanyang better-half na si Donna Villa. Dahil gusto pa rin naman daw nito na mag-direk pa rin at patuloy na maging aktibo sa larangang matagal na niyang niyakap.
The Pillar
by Pilar Mateo