SA PRESSCON ng Move It: Clash of the Streetdancers, Philippine’s first-ever streetdance competition on TV ng TV5 ay nakausap namin ang mga kilala na rin celebrities na susubok sa contest at naghahangad na maiuwi ang P500,000 premyo at maging first-ever King/Queen of Philippine Streetdancer na sina TV star turned Manouvers dancer Job Zamora, Wowowillie back-up dancer Lovely Abella, former Mocha Girl Anne Sotelo, Matinee Idol and celebrity dancers John Wayne Sace atbp.
Sa pakikipag-usap namin kina Lovely at John Wayne ay naungkat ang mga pinagdaanan nilang experience na ngayon lang yata mabubulgar.
Ayon kay Lovely, kapapanganak lang niya nang maisipan niyang sumali sa Pera o Bayong sa TV show ni Willie Revillame.
Bago ito ay nang makita raw niya si Willie sa mall ay kaagad siya humingi ng tulong para matustusan ang kanyang anak.
“One and half month nang magsilang ako ng sanggol. Talagang naghanap ako ng mapagkikitaan para sa aking anak. That time nang mapasok ng ako bilang back-up dancer sa TV show ni Kuya Willie ay hindi fame ang hangad ko, paano kumita para sa aking anak.
“Nang mag-show si Kuya Willie sa abroad ay hinanap raw ng audience ang dancer na Bisaya magsalita. Magmula noon ay isinama na ako sa show,” pahayag ni Lovely na this time daw kung papalarin ay hangad niya na mabigyan siya ng pagkakataong umarte sa harap ng camera.
Si John Wayne naman ay hindi ikinaila na naging pasaway siya noong time na nasa tugatog na rin ng kasikatan sa ABS-CBN kasabay nina John Lloyd Cruz. Nag-drugs daw siya at laging late kung dumating sa studio. Nalulong daw siya sa gimik kasama ng barkada.
One day nagising na lang daw siyang naawa sa sarili kaya nagsikap gamutin ang sariling pagkakamali sa buhay.
Gusto namang patunayan ni Job na may ibubuga rin siya pagdating sa pagsasayaw tulad ng kanyang ama na si Joshua Zamora.
Ayon kay Job, mas mahusay raw siyang sumayaw sa ama at makabago ang mga nalalaman niyang pagsayaw.
Ang “Move It” streetdance competition ay mapapanood ng live every Sunday at 7:00 pm sa Kapatid Network.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo