MATAGAL ANG hinintay ni Jolina Magdangal bago siya nag-decide na mag-asawa. Tamang timpla nga ang tambalan nila in real life ng mister na si Mark Escueta na drummer ng bandang Rivermaya.
Positibo naman kasi ang upbringing at values na natutunan ni Jolens mula sa kanyang mga magulang na ang pakikipagrelasyon ay hindi minamadali para makipagsabayan lang sa ibang mga artista sa liga niya noon, kaya it took sometime bago nagdesisyon si Jolens na lumagay sa tahimik until she found Mark to be the perfect husband.
Kaya nga happy siya lalo pa’t kahit busy sila as parents ng anak nilang si Pele, hands-on pa rin si Jolens at katuwang ang mister niya sa pag-aaruga sa baby nila na ngayon ay endorser ng Super Twins Premium Baby Diaper, kung saan nag-decide si Ms. Aileen Co na gawing celebebrity endorser ang pamilya.
Sa katunayan, hindi lang mommy ni Pele ang may malaking role sa paghubog sa kanya na super bibo during the media launch last week na si bagets mismo ang nag-aabot ng mga give-aways sa isang malaking bag sa mga bisitiang press.
May malaking role din si Mark sa pagpapalaki kay Pele. Pagmamalaki ng isang happy mom and wifey sa kanyang mister: “‘Yun din ang ipinagmamalaki ko kay Mark, dahil hands-on talaga siya to the point na kahit sa pagbabasa ng books, sa pag-ayos ng mga kalat, siya talaga ‘yun. Ako kasi, mahilig ako sa mga kuwento ng mga experience, pero siya kahit hindi siya nakababasa madalas sa libro, mas alam pa niya. Kaya, kahit marami siyang bagay na ginagawa, he makes sure na tama ang pagpapalaki niya kay Pele.”
ISANG PUBLIC service mula kay PAO Chief Persida Acosta ang panawagang ito na gusto niyang ipaalam sa lahat ng mga Pilipinong OFWS and travelers tungkol sa walang kapararakang “tanim-bala” or ang tawag ng iba ay “laglag-bala” sa mga airport natin, na kung nahaharap ka or mga mahal mo sa buhay or kaibigan ay puwede silang matulungan ng PAO (Public Attorney’s Office). Tumawag lang sa PAO hotlines 929-94-36 or 9299436 in case you are being charged of alleged “laglag-bala”.
Any incriminatory act of planting evidence can be criminally charged of “incriminatory machinations” under Article 363 of the Revised Penal Code (arresto mayor) and Section 38 of the Comprehensive Firearms Act R.A. No. 10591 Re- lanting of ammunitions punishable of the penalty of reclusion perpetua (30 yrs.).
Sa mga kaganapan sa airport natin ngayon, maraming mga biyahero ang takot na. Sa totoo lang, nakahihiya na ang nangyayari sa bansa natin na until now, ang president at ang mga alipores niya ay natutulog pa rin sa kangkungan?
Sa paglabas ng column item na ito, malamang nasa Amerika na si PAO Chief para tumangap ng parangal sa 14th Annual Gawad Amerika Awards na gagawin sa Hollywood, California. Makasasama ng matulunging PAO Chief na tatangap din ng parangal sina Boy Abunda at aktres na si Sylvia Sanchez. Ang parangal ay magaganap sa darating na Saturday, November 7.
Reyted K
By RK VillaCorta