SA MARCH 21 (Sunday) na ang planong launching ng Party Pilipinas (kapalit ng SOP) sa GMA-7, at na-announce na nga ang hosts – at kabilang dito si Jolina Magdangal, na dati ring nasa SOP.
Bago pa man mag-fold up ang dating variety show, nagkaisyu na kay Jolina tungkol sa pagbabago nito ng “look” at sinasabing ginagaya si Lady Gaga.
Finally ay nakausap ng inyong lingkod si Perry Lansigan, president ng PPL Entertainment, na siya ring managerial company nina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Angelika dela Cruz, Geoff Eigenmann, Carl Guevarra, etc.
On Jolina’s part sa pag-change image nito (o pagbabalik sa dating character and fashionista type of imaging), sinasabing “desperate move” na raw ito, upang maisalba ang career nito.
Reaction ni Perry: “They can say what they want. Kung ano ang feeling nila na gusto nilang sabihin, sabihin nila, and thank you very much. Basta kami, kung saan nae-excite si Jolens, kung ano nga ang attitude niya dati na wala siyang care, gagawin niya.”
Isa pang isyu, hindi raw satisfied si Daddy Jun Magdangal sa promotion ng magazine ni Jolina, ang Jolie. As a manager, wala raw siyang ginagawa to promote it?
“Number one, wala akong pakialam sa Jolie. Hindi akin ‘yun. Wala akong kinalaman du’n. Kapag nakialam ako sa Jolie, sinasakop ko ang trababong hindi akin. Dumating si Jolens sa akin, may grupo na. Nag-pictorial na raw sila.
“Ako naman, siyempre nahiya naman akong makialam. Pero hindi totoong wala ‘yang fanfare, ni-launch ‘yan sa SOP. Noong dumating ‘yan sa akin, sinabi ko talaga na, ‘Bakit hindi na lang natin i-coincide sa pagbalik mo sa SOP? Plus the unveiling of billboard ng Cathy Valencia.’
“Nakiusap ako sa SOP and since mahal din nila si Jolens, naniniwala rin sila sa akin, sinuportahan nila. After that, nagkaroon siya ng signing sa malls, nagpadala rin ako ng mga TV crew, nag-guest din siya sa Showbiz Central para i-promote ‘yun,” pagdidiin ni Perry.
PATI SI JOLINA Magdangal mismo ay naka-chikahan namin recently. Kinuha namin ang kanyang reaksiyon tungkol sa criticisms na ito sa kanyang pagbabagong image na “copy cat” lang daw siya hindi lang ni Lady Gaga, kundi nina Kylie Minogue at Madonna.
“Sabihin na nating ginagaya, hello, Hollywood ‘yun! Foreign ‘yun! Icon ‘yung mga ‘yun. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag sinabi mo na katulad ka ni ano… okey na rin, ‘di ba? Lahat naman may idol,” sabi ni Jolens.
Hindi na raw siya bagets kaya parang desperate na siyang gawin ito?
“Sa edad ba nababase ‘yun kung ano ang hitsura mo? Bakit, meron naman na mga painter, hello, ang hikaw nu’n, mga beads-beads, pero dahil ‘yun ang gusto nila, ‘yun ang pananaw nila, ginagawa nila. E, ‘yun din ako. ‘Yun ang gusto ko, e.
“At saka isa pa, kapag suot-suot ko naman ‘to, nasasaktan ba kayo? Natatamaan ba kayo ng accessories ko? Kinukurut-kurot ka ba? Hindi naman, ‘di ba? Ha-ha-ha!
“Ang importante, masaya ako sa bago kong look. Palaging ganu’n naman ang gusto kong iparating sa mga tao. At ipakita sa mga tao na lahat ng ginagawa ko, masaya ako.
“Nagawa ko na ito dati. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Masarap lang na nag-aayos ka ulit. Ginagawa mo or sinusuot mo ang mga gusto mong suutin.
“Lahat naman talaga may masasabi sa ‘yo. Kahit ayos na nga ang damit mo, may masasabi pa rin sa ‘yo, ‘di ba? Hahanapan at hahanapan ka ng butas. So, alam na alam ko na ‘yan na may mga lalabas na ganyan.
“Kapag nag-comment kayo, ibig sabihin, nakita n’yo pa rin ako. Napuwing pa rin kayo ng isang Jolina!” Dire-diretsong chika ni Jolens.
For feedback, please e-mail us at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro