KUNG HINDI bumalik sa ABS-CBN si Jolina Magdangal ay hindi ulit siya sisikat na katulad ng tinatamasa niya ngayon. Agree ba siya na ang Dos ang nag-resurrect ng career niya.
“Para sa akin, unang-una, never siyang (career) namatay. Kasi hindi naman ako tumigil. P’wedeng nagkaroon ako ng ibang mga priorities sa mga bagay-bagay. Pero in fairness naman sa lahat ng mga ginawa ko, masaya ako na hindi ako tumigil at hindi ako nagpahinga,” katwiran pa niya.
“Ang nangyari lang, naging maganda lang ‘yung timing ng lahat ng nangyari sa akin. Pero alam ko na hindi ko binitawan ‘yung pagmamahal sa showbiz.
“Kaya happy ako na, sa 27 years, hindi ako nag-give-up sa industriyang na ang daming bata pa lang ay naggi-give up na. At siguro, nandito pa rin naman ako hanggang pagtanda ko, hindi ako maggi-give-up. Hangga’t mahal ako ng industriya, hangga’t mahal ko to, we will work together, parang ganu’n,” dagdag pa ni Jolens.
Masayang-masaya rin daw siya ngayon sa pagmamahal na ibinibigay ng ABS-CBN.
“Ina-accept ko na sobra nila akong pinasasaya, ‘yung inspiration na ibinibigay sa akin ng ABS, ng pagbigay ng projects na hindi ko akalain na ibibigay nila sa akin na sunud-sunod.
“Hindi ko ini-expect ang Your Face Sounds Familiar and aminado ako na ayoko talaga sanang sumali ro’n dahil takot ako. Pero dahil sa opportunity na ibinigay sa akin and ‘yung ganda nu’ng show ay happy ako na ganu’n ‘yung nangyari. Tapos hindi pa tapos ‘yung Flordeliza, in-offer sa akin ‘yung Written In Our Stars, na para sa akin sobrang laking blessing na naman.
“So, sobrang credit ‘yung ibinibigay ko sa ABS sa pagbigay nila sa akin ng pagmamahal at pagtanggap after 12 years na nagkahiwalay kami,” sambit pa ni Jolina.
Sa Written In Our Stars ay makakasama ni Jolina sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Sam Milby. Si Andoy Ranay ang magiging director ng naturang project na pamamahalaan ng Dreamscape Entertainment.
La Boka
by Leo Bukas