KUMPIRMADO NA ANG pag-uwi sa Pilipinas ng superstar na si Nora Aunor next year, June 2010 to be exact. Ilang taon na rin ang itinagal ng aktres sa Amerika, at doon na nanirahan at panay ang concert sa iba’t ibang cities sa US, maging sa Canada at iba pa.
Isang very reliable source ang nag-chika sa aming confirmed na ang homecoming major concert ni Nora sa Araneta Coliseum by June (or July) next year, at may working title pa itong Guy: Finally I’m Home, na nang kunin namin ang reaction ng isang berdaderong Noranian na reporter, “Parang ‘di akma ang title, dahil ang dating, eh, dito na siya maninirahan, eh, hindi naman.”
Hindi lang nabanggit ng aming source kung ilang buwan magbabakasyon dito si Mama Guy dahil sa US na nga ito naka-base and for sure, babalik ito sa Amerika.
Kung tutuusin, puwedeng samantalahin ni Nora ang eleksiyon sa Mayo, pero ayaw raw nitong “magpagamit” sa sinumang tatakbong presidentiable o pulitiko, kaya pinili niyang umuwi after the election, and by that time ay malamang may bago nang Pangulo ng bansa.
Nakausap na rin si Nora ng mahuhusay na filmmakers na sina Celso Ad Castillo at Lav Diaz para sa kanilang mga movie offer sa superstar, pero wala pang contract signing na nagaganap kaya hindi pa namin mabanggit ang details.
Ilang taon na naming naririnig ang “pangarap” ni Celso Kid na maidirek si Nora. May statement pa itong tila hindi makukumpleto ang career niya as a filmmaker hangga’t hindi niya maididirek ang multi-awarded singer-actress sa isang full-length film.
Naidirek na niya si Nora noon sa trilogy na Fe, Esperanza, Caridad, pero sa isang episode lang. Kahit nga raw sa Amerika sila mag-shoot ay gagawin ni Direk Celso, dahil bagay kay Nora ang material niya.
HINDI ITINANGGI NI Dingdong Dantes na tumungo sa bakuran ng ABS-CBN ang manager niyang si Perry Lansigan late last week. Na-post ang balitang ito online, at may source na nakakita, kaya marahil walang “lusot” si Dingdong na i-deny ang balita.
Si Perry na more than ten years nang alaga si Dingdong ay nagtrabaho sa GMA-7 for 18 years, pero nag-resign ito sa istasyon upang mag-focus sa bago niyang kumpanya, ang PPL Entertainment, Inc. na bukod sa talent management, eh, may events, marketing and PR services din.
Sa grand fans day ng Stairway to Heaven (na finale week ngayon) sa Skydome, SM North Edsa last Sunday, doon namin nahingan ng reaction si Dingdong – kung posible rin nga kayang magkaroon siya ng isang project sa kabilang network?
“Well, walang imposible. Nothing is impossible. Pero kung anuman ‘yung pinag-usapan nila du’n, I don’t know yet. We haven’t talked pa,” maikling sagot ni Dingdong, habang nagpi-prepare backstage with leading lady Rhian Ramos, with the rest of the cast ng top-rating teleserye.
MINA-MANAGE RIN NI Perry si Jolina Magdangal, kasama sina Angelika dela Cruz, Gabby and Geoff Eigenmann, among others, at may chika ring lilipat na si Jolens sa ABS-CBN.
As we go to press, ayaw pa munang magsalita ni Perry tungkol sa pagtungo niya sa Kapamilya network.
Meanwhile, si Dingdong ang “wagi” sa pagkakapili ng GMA na panatilihin itong host ng Family Feud, at hindi muna ibabalik sa original host na si Richard Gomez, kahit “umapela” sa network si Goma.
Na-revise na kasi ng Comelec ang ruling na hindi muna puwedeng lumabas sa TV ang mga artistang tatakbo sa eleksiyon – tulad ni Goma who’s running for congressman in Ormoc, Leyte.
Kaso mo, nang baguhin ang rule, nailunsad na si Dong as the host replacing Goma, momentarily, at wala nang “bawian blues” na magaganap, ‘no!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro