Jolo Revilla, gustong armasan ang sarili kaya mag-aaral sa Harvard

JOLO REVILLA

PAPUNTA ng Boston para mag-aral sa Harvard University ang bida ng pelikulang 72 Hours na si Jolo Revilla to take a short course.

“I’m flying to Boston to take a short course, sa Harvard naman, sa School of Government,” balita niya sa amin.

 “Short course lang naman, dahil sa palagay ko, hindi naman puwedeng… kailangang armasan ko rin yung sarili ko,” dagdag pa ng actor-politician.

Pero kaagad na nilinaw ng Cavite vice governor na ang pag-aaral na gagawin niya ay hindi bilang paghahanda sa pagtakbo niya sa higher office ng gobyerno.

“I’m doing this for myself, not for anyone, not for… I mean, kasi siyempre, gumagawa tayo ng mga ordinance at saka resolution as a vice governor, I’m the presiding officer of the Sangguniang Panlalawigan ng Cavite.

“Kumbaga, dapat lang naman talaga na nag-aaral kami at patuloy na nag-aaral dahil ginagawa namin ito para sa taong bayan. So, it is a must.

“Hindi porke’t grumaduate ka na sa pag-aaral mo, hindi ka na.. kailangan continuous process yan, eh, dahil ang tao  nag-i-evolve yan, di ba? Kung ang gadgets nga natin upgrade nang upgrade so dapat kami nag-a-upgrade din,” paliwanag pa ni Jolo.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleKAHIT PAMALIT SA ORIGINAL: Martin del Rosario, perfect choice sa “Born Beautiful”
Next article‘I Love You Hater director Giselle Andres, naiba ang impresyon kay Kris mula nung makatrabaho

No posts to display