Jolo Revilla, happy sa piling ni Jodi Sta. Maria!

VERY HONEST na sinagot ni Jolo Revilla ang katanungan ng mga press people sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng at Si Ako na isa sa entry sa darating na Metro Manila Film Festival at pinagbibidahan ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla, kasama sina Bosing Vic Sotto at Judy Ann Santos, na sobrang happy siya sa piling ni Jodi Sta. Maria.

Kung dati-rati, super deny ito sa isyu sa kanila ni Jodi, ngayon very vocal siya sa pagsasabing si Jodi ang kanyang inspirasyon sa lahat ng kanyang ginagawa. Dagdag pa nito na iba raw ang kasiyahang naibigay ng personal life niya ngayon kahit pagod siya sa trabaho at sa pag-aasikaso ng kanyang kandidatura, nawawala ang lahat dahil kay Jodi.

Pero hindi naman daw dahil inspirado siya ngayon ay wala pa raw sa isip nila ni Jodi ang pagpapakasal. Basta ini-enjoy raw nila kung ano mang meron at kung ano ang pinagsasamahan nila at saka na ang kasal, dahil hindi naman sila nagmamadali.

Marahil dahil na rin hindi pa annul ang kasal ni Jodi kay Pampi Lacson, kaya naman malabo pa ngang magpakasal ang mga ito kung gugustuhin na nila. Basta ang mahalaga raw ay happy sila ni Jodi.

VERY EXCITED na ang PMPC Best New Male TV Personality na si Arjo Atayde sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang kauna-unahang pagbibida sa telebisyon kasama ang kaibigan nitong si Ejay Falcon sa pagsasa-telebisyon ng Dugong Buhay.

Mapapanood daw ito sa 1st quarter ng 2013 sa Kapamilya Network, kung saan bida/kontrabida ang role na gagampanan dito ng mahusay na young actor.

Tsika nga ni Arjo na, “Actually, malaking sorpresa sa akin ang Dugong Buhay dahil it came after I won an award sa Star Awards [as Best New Male TV Personality] last November.

“The last series I did was E-Boy pa and ilang months na rin iyong natapos. I’m just happy na pinagkatiwalaan ulit ako ng ABS-CBN with a new project, at malaking project talaga siya. I just hope that I meet everyone’s expectations.”

Ayon sa young actor, hindi exact remake ng 1983 action film na Dugong Buhay – na pinagbidahan ng mag-amang Ramon Revilla Sr. at Ramon “Bong” Revilla Jr. – ang gagawin nina Arjo at Ejay.

May maiiba raw sa takbo ng istorya pero halos pareho ang plot nito. Nilinaw rin ni Arjo na ang pinakabida sa Dugong Buhay ay si Ejay.

“It’s really Ejay who is the bida of Dugong Buhay. But they told me that my role is equally important. Kaya second lead ako kay Ejay rito. Hindi pa kasi kami nakakapag-story conference kaya wala pa akong maikuwento about my role.”

BONGGA ANG 2012 MMFF entry ni Laguna Gov. ER Ejercito, ang El Presidente, dahil ang lead singer ng international singing group na Black Eyed Peas, ang Fil-Am na si Apl.de.ap kasama ang bandang Slapshock ang kumanta ng theme song nito.
Bukod nga sa sa star-studded ito, kung saan kasama dito sina Ms. Nora Aunor, Christopher Deleon, Cesar Montano, Cristine Reyes atbp. ay nakuha nitong umawit si Apl.de.ap na malaki ang market sa mga kabataan. Kaya naman paniguradong suportado rin ng mga kabataan ang pelikulang ito ni Gov.

Marami nga ang humuhula na ang El Presidente ang isa sa pelikulang hahakot ng awards sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2012, kasama na ang Best Picture at Best Actor sa katauhan ni Gov. ER Ejercito.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleAng sikip!
Next articleFrom holding hands to hug

No posts to display