NAG-FILE NA pala ng candidacy ang alaga kong si Alfred Vargas. Kahapon ng umaga raw siya nag-file sa Comelec dahil tatakbo na siyang congressman sa Quezon City.
Pagdating sa mga political career nila, hindi ko pinakikialaman dahil wala naman akong alam sa pulitika. Ang dami ngang alagang tatakbo, eh.
Bukod kay Alfred, tatakbo nga si Lani Mercado bi-lang congresswoman uli ng lone district of Bacoor.
Napabalita kasi noon na sa Senate na raw ang ta-takbuhan niya na itinanggi naman nito dahil marami pa raw siyang gagawin sa Bacoor.
Kasama pa rin niya siyempre ang brother-in-law niyang si Mayor Strike Revilla na re-electionist pa rin bilang alkalde ng Bacoor.
Ang excited ako sa lahat kay Jolo Revilla, dahil napakabagets pa niya pero feel na feel na nito ang pagiging pulitiko.
Tatakbo nga siyang vice-governor ng Cavite at suportado naman ito ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla at ang buong Cavite naman siyempre.
Pero, susuportahan naman kaya siya ni Jodi Sta. Maria? Tingin ko naman! Hindi pa sila ganu’n ka-open sa ngayon, pero nangako naman si Jolo na magsasalita rin naman sila. Hintayin lang daw.
Kung sakaling susuportahan daw siya ni Jodi sa kanyang pagtakbo, malaki siyempre ang pasasalamat niya.
Kung tutulong nga si Jodi sa pangangampanya ni Jolo, malaking tulong ito at mala-king ang pasasalamat ng buong pamilya.
Basta abangan lang daw hanggang February, ‘yun ang sabi ni Jolo.
Sa Biyernes pa pala sila magpa-file ng kanilang candidacy.
Ilan pa sa mga taga-showbiz na tatakbo at nakapag-file na ay ang mag-asawang Gov. ER Ejercito at Mayor Maita Sanchez na re-electionist pa rin bilang governor ng Laguna at mayor pa rin si Maita.
Naku! Kasama pa pala nila si Angelica Jones na tatakbo pa ring Borad Member ng Laguna.
Re-electionist din sa kongreso si Lucy Torres na nag-file ng candidacy niya sa Tacloban. Kasama nito si Richard Gomez na nag-file din bilang mayor ng Ormoc.
Kahapon din daw pala nag-file sina Joey Marquez na dinig ko tatakbo siyang congressman ng Parañaque. Si Alma ay bilang konsehal pa rin daw. Hindi na niya kasi itutuloy ang pagtakbo niya bilang senador.
Ang isa ko pang alaga na si Christopher de Leon ay tatakbo rin sa Batangas, pero hindi ko pa alam kung nakapag-file na ba siya.
Ang isa ko pa palang alagang tatakbo rin ay si Michelle Ortega na tatakbo rin palang mayor sa La Union. Hindi ko lang alam kung anong bayan sa La Union. Pero tuloy na tuloy na ang pagtakbo niya. Sa Biyernes daw siya magpa-file.
Kaya hihina ang kita ko n’yan dahil mas naka-focus na sila sa kanilang trabaho bilang pulitiko. Wala naman akong makukuhang kumi sa kanila n’yan! Hay, naku!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis