SA SABADO na raw ang dating dito sa Pilipinas ni Ronald Singson pagkatapos siyang nakulong sa Hong Kong nang mahigit isang taon.
Ang alam ko, merong inihandang mainit na welcome sa kanya sa Vigan kaya roon na raw ang diretso niya. Siyempre sa showbiz, ang inaabangan diyan, ang pagkikita nila ni Lovi Poe dahil ang duda naman ng lahat, sila pa rin, ‘no!
Iyon pa rin nga ang mga tanong kay Lovi sa presscon ng Legacy na magsisimula na sa primetime ng GMA-7 sa January 16. Gusto nga ni Lovi, tungkol na lang sa Legacy ang pag-usapan, pero wala naman siyang magagawa dahil naisisingit pa rin ang isyu nila ni Ronald.
Sa huling interview kasi kay Gov. Chavit Singson, naikuwento pa nitong dumalaw daw si Lovi kay Ronald nu’ng nakaraang November sa birthday ng huli. Kaya tinanong si Lovi tungkol diyan. Ayaw naman niyang sagutin iyan dahil gusto raw sana niyang ma-maintain ang privacy pagdating sa personal na isyu niya.
Ayaw niyang lumaki pa ito at gawin pang isyu dahil masaya na raw siya sa kung ano man ang nangyayari ngayon sa kanyang lovelife. Kaya lang hindi rin masagot ni Lovi kung in love ba ito. Basta inspired lang daw siya sa trabaho niya.
In fairness nga naman, masuwerte ang 2011 kay Lovi dahil ang dami niyang magagandang projects, at mukhang tuluy-tuloy na ito hanggang ngayong taon. Kaya nga excited siya rito sa Legacy niya.
Pero tingin ko mas excited siya sa nalalapit na pagda-ting ni Ronald. Kahit quite lang si Lovi tungkol dito, tiyak na makikita pa rin ‘yan na magkasama sila, isa sa mga araw na ito.
ALAM N’YO naa-adik na ako rito sa My Binondo Girl na magtatapos na! Dati kasi ayokong subaybayan ito dahil male-late na naman ako sa pagtulog. Nu’ng na-ospital lang si Jolo Revilla, kaya ko ito tinutukan para matingnan ko lang kung mababawasan ba ang role ng alaga ko. Sinabi naman sa akin na mada-downplay na ang karakter ni Jolo dahil madalas nga itong absent at nagkakasakit.
In fairness naman, hindi naman ganu’n kalaki ang bawas. ‘Yun nga lang, kay Xian Lim na napunta si Kim. Pero tingin ko naman, lalong gumanda ang role ni Jolo. Dito nga ako lalong napabilib kay Jolo dahil ang galing na niya rito.
Ilang beses nga raw siyang nag-trending sa Twitter dahil sa ganda ng mga eksena niya at ang galing niya bilang Onyx sa seryeng ito.
Patapos na ito at lumalaban nga sa ratings na sumasabay rin sa pagtatapos ng Amaya, huh!
Natuwa lang ako rito sa My Binondo Girl dahil lalong gumaling dito si Jolo at tiyak na proud na proud sa kanya sina Bong Revilla at Lani Mercado.
Kinakantiyawan ko na nga si Bong na mas maga-ling na yata sa kanya si Jolo. Kasi ang laki talaga nang ipinagbago ni Jolo dito sa serye nila ni Kim.
Nakakatuwa naman!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis