ITO PA ang isang alaga ni Kuya Germs sa Walang Tulugan, si Jolo Romualdez sa totoong buhay at screen name. Naikuwento niya sa akin na natuklasan siya, kasi ang kanyang grandmother ay very close kay Kuya Germs.
“Kaya kinausap siya ng lola ko, si kuya Germs, kung maaari akong mag artista.”
Simula noong 2007 ay nagkaroon na rin siya ng mga teleserye sa GMA-7. Dahil siya ay isang Romualdez, ‘di mawala sa angkan nila ang pagiging pulitiko. Pero siya ay nalihis ayon sa kanya, dahil gusto niyang maging artista. Ngungit nais pa rin niyang magserbisyo sa gobyerno balang-araw.
“Ah, kasi uso ‘yung ganu’n ngayon eh, ‘yung pulitiko gustong pumasok sa pag-aartista, ‘yung artista gustong pumasok sa pulitika. Para sa career, hahaha! Why not? Tao tayo’ eh. ‘Di ba?”
So, para kasing nasa hitsura mo eh. Parang patungo sa pagigng pulitiko… Bale, councilor muna, tapos Vice-Mayor? Haha.
Ah, si Jolo Revilla tinanong ko dati kung papasok ba siya sa pulitika, sabi niya hindi, pero ayun tumakbo na. Naging Vice-Governor bigla! Uhmm.
Bale, sino na ‘yung mga naka-loveteam mo na na artista? “Bale, wala pa po akong nakaka-loveteam, eh. Bale, nagkaroon lang po ako ng ka-loveteam parang sa Maynila, si Kim Komatsu.”
Kumusta ang pag-aartista, ‘yung nararanasan mo ngayon na artista ka, ano ba ang nararamdaman mo? Masaya ka? Ano ba ang nangingibabaw du’n? “Medyo mahirap po, eh. Alam mo naman ang show business, medyo magulo eh.”
Ah, ‘yung parang may nakamasid sa ‘yo, tapos ang sarili mo parang sa publiko? “Tapos hindi ka puwedeng magpakita ng hindi maganda.”
Kahit inis ka na, hindi puwedeng hindi ka nakangiti? “Kailangan po, eh. Wala pong pinagkalayo sa pagiging pulitiko.”
Ah, haha! Parang trabaho lang! Iyong parang maghihintay tayo nang matagal, naiinip ka rin pero wala tayong magagawa kasi trabaho ito? “Opo. Ganu’n po talaga, nag-start akong ekstra. Nakikipagpuyatan po ako, at naghihintay ng mga project.”
Pero ang tiyaga mo, ah? Si Aljur noong ininterbyu ko siya, hindi pa siya ganu’n kasikat. Pero ang tiyaga niya, tingnan mo naman. Ganu’n lang ‘yun. Pero kapag napansin ka, ‘yun talaga. Ang kailangan mo lang talaga ay maganda-gandang role at paghusayin lalo. Ang kailangan mo ay magandang break.
How about Indie films? “Ah opo, kapag may kumuha po sa akin, iga-grab ko po.”
Ah, sino naman ang mga na-link na sa ‘yo? “Ah, marami na rin po, pero talagang puro kaibigan lang po talaga.”
Ano sa mga role mo ang pinakanagustuhan mo? “Ah, bale, ‘yung pagiging bad boy.”
How about comedy, puwede ka rin ba? “Oo, naman po.”
Ah, para sa akin ha? Mawawala ang bida, ang mga action star, pero ang comedian hindi. Pero ang totoo, gusto mo ba rin bang sumikat? “Oo naman po.”
Malay mo, eh wish mo. How about your parents, okey naman sila? “Supportive naman, lalo na po ang lola, pinapanood pa ako nila. Sasabihin nu’n, apo ko ‘yan, apo ko ‘yan!”
Haha! Mga kusintidor talaga ang lola.
Kung sakaling sumikat ka na, sinong una mong tutulungan, mother o father? “Siyempre po ‘yung mother ko.”
Talagang kapag mga lalaki, mother talaga, ‘noh? ‘Di ba lalaki ka, nasasabi mo ba sa father mo kung paano ka manligaw? “Ah, ‘di po, sa mother.”
Pero sa usapan ng may mauunang makaalam, mother, bakit? “Iba po kasi ang sakripisyo ng nanay. Hindi po basta-basta ang sakripisyo ng nanay. Talagang all the time nand’yan ang mommy.”
Si Jolo ay umabot ng 2nd year college sa course na Business Management at nag-shift siya sa HRM.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, e-mail. [email protected] 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia