JOM UNFOLDS…:NATAWA ang aktor na si Jomari Yllana nang ang isalubong kong tanong sa kanya eh, kung totoo bang itong susunod na concert na ipo-produce nila sa Fearless Productions niya sa August 1 sa NBC Tent eh, pantapat sa concert ng ex-gilrfiend niyang si Pops Fernandez at ng ex-husband nitong si Martin Nievera sa isang probinsiya.
Wala naman daw ganu’n. At hindi naman daw siya aware sa mga schedule ng concerts ng Concert King and Queen. Actually, ang partners niyang magkapatid na Ryan at Ronald Singson ang pumili ng nasabing date, after na mag-scout nga si Ronald sa Amerika ng artist na gusto niyang madala sa bansa recently.
“And what caught Ronald’s attention eh, ‘yung kinikilala ngayong YouTube phenomenon na of Japanese and Irish descent at na-view nang over 4 million times na sa YouTube at may subscribers na mahigit 170,000, si Marie (pronounced mah-ree-ay) Digby. Ito muna ang gustong ihatid ni Ronald sa mga followers ni Marie here in the country kaya you will see her making the rounds ng mga talk shows at iba pang local programs natin very soon!”
Samantala, si Jom naman pala ang nag-suggest sa mga ‘Kuya’ at iba pang mga kapatid sa pangangalaga ng yumaong si Tito Dougs na pagkatapos na ng 40th nito nila masusing i-discuss ang paghahanap ng mga tutulong pa rin sa kanila sa pagma-maniobra ng kanilang mga career.
“Although si Wendell (Ramos), definite nang si Wyngard Tracy ang magha-handle. My brothers Ryan and Anjo naman will be under Malou Choa-Fagar’s care. Kami nina Goma at Kuya Joey, hindi pa muna ‘yun binibigyan ng focus kasi, kami naman ‘yung nakatutok sa mas mga bata.”
SISTERS ACT: BAGO umuwi ng ‘Pinas ang aktres na si Ara Mina, marami na ang nag-imbita sa aktres na magsama sila ng kapatid na si Cristine sa ilang mga shows doon.
Habang nasa restaurant, o kaya sa limo na service niya, pati hanggang sa airport, negosasyon na para sa shows nila roon ni Cristine ang tinatalakay niya sa mga nakakadaupang-palad na producers.
In fairness, kilala si Ara ngayon doon dahil sa papel na ginampanan niya sa Dapat Ka Bang Mahalin, kaya lalong natuwa ang mga tao sa kanya nang personal na siyang makita at makilalang malayo sa kanyang naging kontra-bida role.
Si Ara naman ang parang lumabas na ‘manager’ ni Aljur Abrenica dahil nang hingan siya ng suggestions kung sino ang male performer na p’wede nilang makasama ni Cristine kung sakali, ito agad ang pumasok sa isip niya, dahil alam niyang mahusay itong kumanta at naggigitara pa.
Kung matutuloy ang proyektong ito, hindi naman daw kaya bigyan ng sakit ng ulo ng kanyang nakababatang kapatid si Ara pagdating sa Amerika?
“Alam ko ngayon na pina-practice na rin nang husto ni AA (Cristine’s nick) ang pagkanta at madalas na nga siyang sumama sa mga barkada niyang may banda. Kung dati, hanggang mga tatlong kanta lang ang kaya nitong gawin ‘pag nagsu-show kaming magkasama, I’m sure ngayon, mas marami na. Siyempre, gustung-gusto ko rin namang nakakasama siya sa mga tour ko, lalo na sa ibang lugar. Dati, sumasama lang siya sa akin para maging stylist ko, dahil ‘yun ang isa pang talent ni Cristine na bow rin naman ako. Dahil fashionista rin ito.”
Kung magkakaroon ako ng boses to suggest, mas maganda ang double sisters act, Ara-Cristine and Toni-Alex (Gonzaga). Tapos, may palit-palit na numbers, with Ara and Alex and Toni and Cristine. Bakit hindi muna ito rito subukan?
Magkaalaman na sa mga magiging pasaway in the end!
The Pillar
by Pilar Mateo