SA KAINITAN ng isyu tungkol sa Fallen44, o ang mga nasawing pulis sa Mindanao na sinasabing mga “bagong bayani”, umani ng batikos ang Pangulo ng bansa na si President Noynoy Aquino, lalo na sa social media.
Maging ang ating local celebrities ay hindi na napiligan ang kanilang mga sarili sa pagsabog ng galit sa Pangulo.
Isa sa pinakamatapang na post ay mula kay Jomari Yllana. Sa kanyang Facebook personal account, noong January 30, at 12:49 AM, nag-post si Jomari ng matapang na comment, tinawag niyang “pinakatangang Presidente” si PNoy, etc. Here’s Jomari’s FB post in full (edited ang typo errors):
“Ang akala nila, parang video game lang….. Nag-ensayo lang at pinasubukan… Sigurado ako, kahit dati na hindi ka corrupt…
“Pero, garantisado na ako na isa ka ngang tanga! Lahat ng nasa gabinete mo mandarambong…
“Sana, pagkatapos dumaan ng sasakyan ninyo sa daan na nagkukunwaring matuwid ay dumeretso na rin ito sa impyerno… Kasama ng mga dayuhang mapuputi na napakahusay magsinungaling…
“Napakahusay na mandurugas at napakahusay mag-angkin ng lupaing hindi kanila…
“Ikaw na!!! Ikaw na ang pinaka-tangang Presidente sa kasaysayan ng Pilipinas!!!”
Mapapansin sa post ni Jomari ang katapangan nito, at diretsahan ang pagtukoy, hindi lamang sa Pangulo, kundi pati na sa mga nasa gabinete niya (na “mandarambong”), pati na ang mga banyagang “nag-aangkin ng lupang hindi kanila”.
Kilala namin si Jomari, personally, na a man of few words ito, pero nasa loob ang “kalaliman”. Nagsisimula pa lamang siya sa kanyang career noong early 90’s, nasubaybayan na namin ang kanyang pagsikat via the then-very-popular na Tatlong Guwapings.
Hindi palasalita si Jom, hindi pala-kuwento, ‘yun ay noong mga nagdaang panahon. Through the years siyempre, dumarating ang isang artista sa point ng maturity at hindi na nga kinaya ni Jomari na ikimkim ang kanyang galit, and since we have freedom of the expression, nai-post na nga niya ito.
Umani ang nasabing post ng maraming likes, at positibong comments na pumupuri kay Jom sa kanyang katapangan, lalaking may “bayag”, etc.
We’re just as proud nanay-nanayan to Jom, na kahit bihira na kaming magkita these days, alam ng buong showbiz ang matibay at malalim naming pinagsamahan mula noong panahon ng nasira niyang manager, our beloved Tito Douglas Quijano, one of our mentrors, na wala nang tatalo pa sa kabaitan sa showbiz.
For sure, kahit sa langit ay proud na proud sa iyo si Tito Dougs, Jom.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro