Inamin din ng aktor na nakaramdam siya ng ilang sintomas ng covid-19.
“Aaminin, ko may mga times na inuubo ubo ako at nilalagnat. Pero dahil nga marami rin tayo ganap kahit nasa bahay lang iniisip ko na lang na baka pagod lang ako. Tsaka syempre, nawawala-wala po agad dahil nga tayo ay may gabi gabing pagpapanata sa Panginoong Diyos.
“Ayun hanggang nung Lunes (June 22) nag-patest na ako sa NEGH yun nga ang lumabas, may past infection ako. Kaya na-admit ako sa NEGH hanggang sa dumating yung result ng swab test ko. (Mas kayang ma-detect ng swab test si Covid). 2-3 days bago lumabas yung resulta,” kuwento pa niya.
Nakahalubilo din daw niya sa ospital ang mga pasyenteng covid-19 positive pero hindi naman siya nakaramdam ng takot.
Lahad ni Jon, “Habang naghihintay ng resulta, doon sa NEGH lahat ng nakakasalumuha ko don lahat may COVID. Kasi di lang sila sa rapid nag-positive, kundi pati sa swab test din. Nakakailang test na sila laging positive ang lumalabas. Ibig sabihin po meron talaga silang mga karamdaman pong taglay.
“Ayun na nga, so 3 days kami magkakasama don, syempre bilang ako bago lang don di ko alam anong klaseng sakit ba to. Di ba pag nanonood ka sa social media talagang matatakot ka. Kasi nga ang dami na rin talagang pinatay ng sakit na ito.
“Pero doon sa NEGH bago ka pa man din maadmit, paulit-ulit na ipapaunawa sa’yo ng mga Ministro (ng Iglesia Ni Cristo) na nandon, ang paulit-ulit din na binanggit ng Diyos para sa mga lingkod niya na ‘Huwag kang matakot.’ Kahit yan lang daw baunin mo sa araw-araw hindi ka na raw mawawalan ng pag-asa.
“Eh, kaso meron pang mga kasunod na pangako ang Diyos, eh, di ba po? Tulad ng ‘Hindi kita pababayaan,’ ‘Pinili kita,’ ‘Sa panahon ng pagsubok bibigyan kita ng lakas para mapagtagumpayan mo ito.’ Ba’t nga naman tayo matatakot?
“Opo, totoo po na pinag-iingat tayo ng Pamamahala para makaiwas tayo sa ganitong karamdaman. Kasi nga hindi natin alam kung sino ang pwede nating mahawa. Baka mamaya mga lolo, lola, tatay, at nanay natin na mga may ibang sakit na talaga at may edad na. Sila ang mahihirapan ng lubos sa karamdamang ito.
“Sa atin naman pong mga kabataan at medyo may lakas pa, ang hiling lang talaga sa atin ay mag-ingat, sumunod, magpasakop at pangalagaan pa ang sarili.
At di ba, naririnig nating lahat na sa NEGH ay sobrang daming gumagaling na COVID patient. Totoo po yon! Hindi po dahil sa magagaling ang mga doctor don at mga nurses. Kundi dahil pinanghahawakan talaga nila ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa bibliya.
“Halimbawa yung pagpapahid ng langis, utos ng Ama na kapag may karamdaman bago man dalhin sa hospital magpatawag muna ng matatanda sa Iglesia para mapahiran ng langis at maipanalangin sa Diyos. Everyday, tuwing umaga, ginagawa yon don sa NEGH. Kahit hindi kapatid napapahiran at naipapanalangin. Kababayan man nating Katoliko, Muslim, Protestante andon lahat at lahat sila ay inaalagaang mabuti at sa awa ng Diyos ay marami sa kanila ang gumagaling sa karamdaman.”
Nagulat din si Jon kung anong gamot ang ipinainom sa kanya ng mga doctor para gumaling.
“Hanap ako nang hanap kung anong ipapainom sa aking gamot don. Aba, yung mga kasama ko don 14 days, 19 days ng andon — ang gamot lang pala ay MULTIVITAMINS na nabibili sa botika. Ayun tapusin ko na, sa awa at pagmamahal ng Diyos, yung mga kasamahan nating 14 days, 19 days ng andon, kasama ko sila kagabi na natanggap ang resulta na ako po ay NEGATIVE na. Sila naman po ay RECOVERED na mula sa sakit na yan.
“Hindi vitamins ang nagpagaling sa amin! Kundi ang Panginoong Diyos na pinakamapangyarihan sa lahat,” deklara pa ng aktor.
Ibinahagi rin ni Jon na may purpose siguro kung bakit na-confine din siya sa ospital kasama ng mga covid-19 positive.
“Kaya rin siguro ako napunta don para makita ko mismo kung ano ba talaga ang sitwasyon sa loob ng hospital na may mga COVID patients. Para na rin maibahagi sa inyong lahat ang pagtulong at pagmamahal ng mga doctors, nurses, medical staffs, mga Ministro at manggagawa natin sa mga kababayan nating naapektuhan ng COVID.
“Hindi sila takot! Hindi sila lumalayo sa mga pasyente, matibay ang pagtitiwala nila sa Diyos. At naniniwala rin ako na kaya tayo dumaraan sa gantong pagsubok ay para magliwanag tayo sa madilim na sanlibutan! Wala kang dapat katakutan. Diyos ang nangako sa atin. Hindi niya tayo pababayaan kahit ano pang suliranin at pagsubok ang ating masagupa,” pahayag pa niya.
Ngayon ay nakabalik na sa kanyang bahay si Jon at kapiling na ang kanyang asawa at anak.