Jona, siguradong pinanghihinayangan ng dating network ang paglipat

Jona, siguradong pinanghihiyang ng dating network ang paglipatWhat’s in a name?

Marahil, as far as Star Music is concerned, a lot. Bahagi ng branding ng singer na si Jonalyn Viray ay ang pagbabago sa kanyang pangalan.

Ito’y makaraang tuldukan ni Jona (she now goes by such name) ang sampung taon niyang pananatili sa GMA, ang istasyong nagsilang sa kanya bilang first ever grand champion ng Pinoy Pop Superstar. The station that gave birth to La Diva, ang pop trio nila nina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Ani Jona, career growth ang nagtulak sa kanyang paglipat. And we will not contest that. For many years, “one of those” lang naman kasi siya who was barely given a chance to shine. Ewan if this is a case of “may tinititigan, may tinitingnan” that has relegated her to the sidelines.

Sa aminin man o hindi ng GMA, this is how the station is perceived to be. Hindi lang naman si Jonalyn—in its artist pool—ang may ganitong sentimyento. Others have stayed much longer than Jonalyn, pero mabagal ang pag-usad ng kanilang career.

A real gem of a talent, for sure, pinanghihinayangan ng istasyon ang paglipat ni Jona. Imagine, sila ang nagtanim, umani, nagbayo at nagsaing, pero iba ang kumain. At unli rice pa, huh!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBernard Palanca, may ibubuga rin sa serious acting
Next articleAiko Melendez, hinding-hindi raw magiging stage mother kay Andrei Yllana

No posts to display