OLA CHIKKA now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. Ola chikka na!
Maloloka ka talaga sa Earth dahil nakawiwindang ang mga eksena nitong si Manny Pacquiao, kung ano ba talaga ang gusto niyang tumbukin sa ginagawa niya ngayon.
Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ang mga kaparazzi natin sa mga eksena niyang ginagawa niya ngayon, na ang Bible daw ang gumi-sing sa kanya. Huwaaat?!
Magiging maganda ba ang tingin sa kanya ng tao kung ganyan ang eksenang gagawin niya? Kung ako naman sa kanya, kahit hindi naman siya maging ganyan at maging mabuti o totohanin na lang niya ang mga chikka niya.
Nakakaloka naman kasi talaga sa Earth! Ano ba itong mga sinasabi niya na hindi na siya mambabae at magsusugal at lahat ng mga masasamang ginawa niya? Kaya lang, nakakaloka sa Earth, may nag-chikka sa akin na hanggang ngayon, may nakakakita sa kanya na nag-check-in daw siya. Sino ang kasama? Nang tanungin ko, hindi naman daw si Jinkee Pacquiao.
Naku, ha?! Kung may nakakakita pa rin sa kanya, ewan na lang natin kung true ba talaga ang mga sinasabi niya… kaloka!
ANOTHER CHIKKA naman itong singer na si Jonalyn Viray na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makilala. Kaya sinearch ko na lang sa internet para ma-knows ko.
Dahil nang magpunta ako sa school na Jose P. Laurel, Sr., nakawiwindang lang. May nagtanong kasi sa akin kung kilala ko ba siya. Sabi ko, wiiiit! Kaloka naman ang chikka na hindi raw nagpunta sa former school niya. Bakit? At hindi na nga raw nakakakilala.
Bakit kaya may mga ganu’n ngayon? Na porke’t ‘pag lumabas ka na sa TV, akala mo naman, sikat ka na! Hindi ka na marunong tumingin sa pinanggalingan mo… nakakasama naman talaga ng loob, bilang mga taga-taguyod sa school.
Samantalang ang mga naging successful na doctor, engineer, kagaya ko ay dumating bilang guest speaker nila. At hindi nagdalawang-isip.
Kaya siguro hanggang ngayon, wala pa rin masyadong career itong singer na itey, dahil sa pagiging attitude problem niya. Naku, ha?! ‘Pag may mga ganyang eksena talaga, walang magagawang mabuti ‘yan sa ‘yo.
Kaya ngayong Holy Week na at Lunes Santo, stop muna tayo sa mga nega… magpaka-positive naman tayo! Pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding