SOBRANG SAYA ni Jonalyn Viray sa tagumpay ng kanyang kauna-unahang big concert, ang #Fearless na ginanap sa Music Museum last Feb. 28, kung saan nagging espesyal na panauhin nito sina Ms. Kuh Ledesma, Ms. Regine Velasquez, Alden Richards, Brenan Espartinez, at Gerald Santos.
Tsika nga ni Jonalyn nang makausap namin sa backstage after the concert “ Overwhelmed po ako! Kasi pakiramdam ko talaga nu’ng first part, kinakabahan talaga ako.
“Parang ang stiff ko pa. Pero habang patagal nang patagal ‘yung concert, parang napi-feel ko na parang nawawalan ako ng boses, parang feeling ko nagkakamali na ako. May mga parts na parang pumipitik na ‘yung boses ko. Pero thankful ako na at least hanggang dulo, na-survive ko pa rin.
“‘Yun lang po, sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tumulong at sa lahat ng sumuporta… sa lahat ng bumili ng ticket maraming-maraming salamat po. Hindi n’yo lang alam kung papano n’yo ako pinasaya. Again thank you, thank you very much talaga. Nagpapasalamat din ako sa mga sponsors na tumulong sa amin, sa mga kaibigan sa industriya na nanoond.”
Two standing ovations ang ibinigay ng audience kay Jonalyn nang kantahin niya ang Moment Like This at Imposible Dream .
“Iba ‘yung pakiramdam ko nu’ng mga sandaling ‘yun, kinilabutan ako. Kasi nakita ko ‘yung mga tao na nagtayuan at nagpapalakpakan after kong kumanta.
“Nu’ng mga sandaling ‘yun, iniisip ko na lang na sana ‘wag pumitik ‘yung boses ko during those production numbers . Thankful ako, kasi alam ko na-appreciate nila ‘yung ginawa po namin, ‘yung pinaghirapan namin. At least tapos na, nakaraos na ako at maganda ‘yung feedback ng mga taong nakapanood, “Pagtatapos ni Jonalyn.
NAGING MATAGUMPAY at dinumog ang opening ng Cardams store branch sa SM North Edsa, Upper Ground Floor Main Bldg. last March 1 sa pangunguna ng owner ng Cardams / Mario ‘D Boro na sina Ma’am Nancy at Sir Allan Ng with Ms. Cristine Ng and Mr. Del Pascual.
Naging espesyal na panauhin sina Teejay Marquez , Kim Rodriguez, Kiko Estrada , Kate Lapuz at ang UPGRADE Boyband na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Armond Bernas, Raymond Tay, Rhem Enjavi, Miggy San Pablo, Mark Baracael, at Ron Galang.
John’s Point
by John Fontanilla