ANG MAKASAMA raw ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na kanyang kababayan sa Bicol ang isa raw sa Dream ng Kapuso Diva na si Jonalyn Viray na pinanganak at lumaki sa Albay, Bicol nang makausap namin ito sa kanyang Thanksgiving Party na ginanap sa Shakey’s Tomas Morato, QC na hatid ng Uno makers of Choco 8 Chocolate, 8 in 1 Coffee, Ultima C, Prime Juice, Glutathione Soap, Kojic Soap, Glutathione New Light Formula Lotion and a lot more at ng Nalandia Nail Studio and Body SPA.
Isa raw si Ate Guy sa inspirasyon ni Jonalyn along with Regine Velasquez para paghusayan ang kanyang pag-awit. Kaya naman daw ang maka-duet si Nora ang isa sa kukumpleto sa career ni Jonalyn. Aminado naman daw ito na malabong mangyari sa ngayon dahil nga walang boses ang magaling na singer/actress at hindi kayang kumanta .
Hihintayin daw ni Jonalyn na bumalik ang golden voice ni Ate Guy at baka raw sa pagbabalik ng boses nito ay magkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang isa sa kanyang idolo. Sa ngayon daw, busy si Jonalyn sa paghahanda sa kanyang nalalapit na reapeat concert na “Fearless” na magaganap sa Music Museum sa Nov. 14, 2014 na hatid ng Jan Connections Event Management with special guest Thor, Jaya and Tom Rodriguez.
Marlisa Punzalan, wagi sa X Factor Australia
WAGI ANG Pinay-Australian 15 years old na si Marlisa Punzalan sa katatapos na X Factor Australia 2014 . Tinalo ni Marlisa ang grupong Brothers 3 at ang runner-up na rakista na si Dean Ray.
Kinanta ni Marlisa ang kanyang audition piece na “Yesterday” ng Beatles kung saan tumanggap ito ng standing ovation sa apat na hurado kasama ang kanyang mentor na si Ronan Keating . Tumanggap din ng standing ovation ang kanyang duet with Jessican Mauboy, ang “Never Be The Same” at ang kanyang Single winning song na “Stand By You”.
Part ng prize ni Marlisa ang pagkakaroon ng recording contract sa Sony Music, kung saan kasama sa nasabing album ang kanyang winning piece na “Stand By You”. Si Marlisa ang pinakabatang nanalo sa nasabing sikat na singing competition.
Pinay singing group na Mica, pasok sa Top 9 ng Superstar K6 sa Korea
PASOK SA Top 9 ang Pinay group na Mica (Golayan Sisters) sa South Korean singing competition na Superstar K6 nang awitin nila ang “Maria” kung saan napabilib ng mga ito ang Korean judges na sina Lee Seung Chul, Yoon Jong Shin, Kim Bum Soo, at Baek Ji Young.
Kabilang sa past winners ng Superstar K ay sina Seo In Guk (singer-actor, Reply 1997), Huh Gak, Ulala Session, at Roy Kim. Naging finalists naman sina John Park, Jung Joon Young, at Kang Seung Yoon (member ng WINNER), na pawang sikat din ngayon sa Korea.
John’s Point
by John Fontanilla