Jonalyn Viray, walang panahon sa intriga

Jonalyn-VirayWALANG PANAHON si Jonalyn Viray sa mga intriga kahit na pilit na iniintriga siya ng iba. Una, nag-audition siya sa Rak Of Aegis, isang PETA musical play pero hindi siya ang napili kaya napunta kay Aicelle Santos ang lead role na dati niyang kasamahan sa La Diva. Umani ng papuri si Aicelle sa naturang musical play kung saan nagkaroon ito ng maraming pagtatanghal na pinanood pa nina Lea Salonga, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Ogie Alcasid, Pops Fernandez at ng marami pang mga sikat nating singers.

Wala bang panghihinayang sa kanya na ang dapat sa kanya’y napunta kay Aicelle?

“Actually, nag-audition po ako, tapos may call back po sa akin. Kaso nu’ng time na ‘yun po, sinabi ko na sa kanila (PETA) na may mga out of the country singing engagements po ako. Hindi po talaga uubra kasi ‘yung schedules po, conflict. Eh, marami pong run na gagawin ‘yun. ‘Yun po.

“Kung ginawa ko naman po ‘yun, hindi ko rin naman magagawa na makapag-show abroad. Marami rin namang mga Pinoy na naghihintay sa akin. Marami po kaming bansang pinuntahan kaugnay ng GMA Pinoy TV. So, sa lahat po ay nag-perform po ako,” paliwanag ni Jonalyn nu’ng humarap ito sa press para sa nalalapit na repeat ng kanyang #Fearless Concert sa Music Museum sa November 14.

Tinanong si Jonalyn kung sino sa kanya ang mas magaling, si Regine Velasquez ba o si Lani Misalucha?

“Magkaiba naman po sila ng voice quality. Si Ate Regine po, halos lahat ng mga kanta niya, kanyang-kanya lang. All original at sumikat lahat. Ganu’n din naman po si Ms. Lani, iba rin ang range ng voice niya. Mas close lang ako kay Ate Regine kasi nakakasama ko siya sa mga shows at naka-duet ko na rin siya sa mga shows ko,” safe na sagot ni Jonalyn.

Nabanggit pala ni Jonalyn na 10 years ang kontrata niya sa GMA 7. Pagkatapos ba nu’n, may plano siyang lumipat ng network?

“Ay, wala po. Masaya at kuntento po ako sa GMA 7. Sana ‘pag mag-i-expire na ang kontrata ko, i-renew ulit nila. Wala na po akong naiisip na network na pagtatrabahuhan ko kundi ang Kapuso Network,” nakangiting sagot ni Jonalyn.

May balitang tinanggihan niya ang isang teleserye kung saan ay aarte siya, totoo ba ‘yun?

“Hindi naman po tinanggihan, saktong may tatamaan pong schedule ulit dahil aalis po ulit ako dahil may mga shows po akong gagawin abroad. Gusto ko rin naman pong umarte sana, pero okey rin naman kung pagkanta na lang ang focus ko,” sabi nito.

Meaning mas feel niyang kumanta kahit na may ialok sa kanyang magandang role na aarte siya?

“Opo, eh.” Diretsong sagot ng morenang singer.

Sige na nga!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleRitz Azul, gusto ring tumawid sa ibang networks
Next articleNova Villa, first time nag-drama sa isang indie film

No posts to display