SA HALIP NA mairita, naaliw pa kami rito kay Jordan Herrera nu’ng ma-phone-patch interview namin sa aming radio program nu’ng Biyernes.
Nu’ng unang interbyu, malinaw pa talaga ang dating namin sa isa’t isa. Sinabi niya ang kanyang role sa Kambal Sa Uma bilang isang talent agent ng isang perya at dito niya ipinasok ang taong-dagang si Melissa Ricks.
“Pero hindi pa ho ako lumalabas du’n. Nagte-taping pa lang po kami!”
Nu’ng itanong na namin sa kanya ang tungkol sa isyung lumabas na taas-noo siyang makahaharap kahit kanino, na hindi siya pumapatol sa bading, ang sabi ni Jordan, “Tito, ‘wag na po nating pag-usapan ‘yan. Actually, ayoko nang sagutin ‘yan, kasi, na-misinterpret po ako riyan, eh!” Sey ni Jordan.
Bakit, ano ba ang eksaktong tanong sa kanya ng reporter? “Ang tanong po kasi eh, kung nagpapa-book daw ba ako. Sinagot ko po ng, ‘Hindi po at kahit kanino, kaya kong humarap na hindi ako nagpapa-book. ‘Yun lang po ‘yon.”
Ah, so hindi niya sinabing hindi siya pumapatol sa bading? “‘Wag na po nating pag-usapan ‘yan, Tito. Ayoko na po, eh!”
Eh, bakit parang may sama ng loob sa kanya ang dati niyang friend na si Mama Jojit de Niro? “Hello? Hello? Hindi ko po kayo marinig, Tito Ogie. Hello!”
Natawa kami. Biglang nabingi ang damuho. Hahaha!
Oh My G!
by Ogie Diaz